Advertisers

Advertisers

Andrea minamanok ng pamilya ng rumored dyowa

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Viral ang kumalat na photo noon ni Andrea Brillantes na kasama ang isang guy na na-spill the tea ay galing sa isang buena familia.

Dagdag pa ng source, tulad ng mga na-link kay Blythe ay isa ring basketball player si guy.

Dahil din sa closeness nila ay hinihinala ng mga nagmamarisol na ito ang bagong dyowa ng aktres.

Recently naman, may nag-leak na photo ni Andrea kasama ang buong family ni guy.

Kasama siya sa Christmas celebration ng mga Capistrano kung saan sighted din na habang nagpapa-picture ay hawak ng family member ang kamay ni Blythe.

Dahil sa development na ito, nag-one plus one ang mga katkatera at sawsawera.

Hirit nila, boto raw ang pamilya ng rumored dyowa kay Blythe.

Pansin din ang galawang magdyowa nina Andrea at ng guy.

Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“Boto naman pala kay Blythe ang family ni guy.”
“At least, upgraded si Andrea.”
“Feeling ko, bet na bet siya ng family noong guy.”
“Pansin ko, medyo magkamukha rin ang kanilang shoes.”
“From one cager to another. Wala na ba sila ni Sam Fernandez?”
“Bagay naman sila noong guy.”
“Good thing na tanggap siya ng pamilya ng lalake.”