Advertisers

Advertisers

BATANG QUIAPO NI COCO, TSUTSUGIIN NA!

0 70

Advertisers

Ni Favatinni San

SA tumututok sa Batang Quiapo, matinding barilan at habulan ang naganap. Tinambang ng grupo ni Tanggol(Coco Martin) at Ramon(Christopher de Leon) ang grupo ni Miguelito( Jake Cuenca). Mahaba ang naging labanan, napatay si Don Gustavo(Dante Rivero) at Erika(Gillian Villavicencio).

E, nasukol ni Tanggol si Miguelito at Jackie(Angel Aquino) e biglang hinabol ni Santino(Ron Martin) si Tanggol, nabaril niya. Papaputukan pa sana e dumating sina Ramon.

Magwawakas na ba ang Batang Quiapo?

Kapansin-pansin na ang daming namatay sa teleserye.

Natanong si Coco kung matatapos na ang BQ?

“Tuloy-tuloy parin ang aksiyon sa buhay ni FPJ’s Batang Quiapo. Wala naman pong sinasabi ang management. Basta sinabi lang po sa amin, mas pagandahin… sure tuloy-tuloy lang po ang trabaho,” aniya ni Coco

Ibig sabihin ‘di mamamatay si Tanggol. Oo naman… Siya ang bida, no!

SEN. BONG GO PINARANGALAN NG DAKILANG LAHI FILIPINO AWARDS

PINARANGALAN si Senador Bo ng Gong Excellence in Public Service and Humanitarian Leadership of the year 2025, noong Disyembre 29 na ginanap sa Viva Cafe, Cubao, QC.

Bagama’t ‘di nakarating si Sen. Go, may video message siya, “taos-pusong nagpapasalamat at binigyan-diin niya ang parangal ay hindi lamang isang karangalan kundi isang paalala na mas mabigyan ng pananagutan ang pagiging lingkod-bayan. Ang paninindigan ay mananatiling iisa ang maglingkod ng may buong malasakit, may parangal man o wala. Ang pagkilala ay magsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanyang serbisyo sa abot na makakaya, nang tahimik, tapat at inuuna ang kapakanan ng kanyang kapwa Pilipino.”