Advertisers

Advertisers

Mommy Pinty Gonzaga Bagets Looking Sa EyeBerry Tiktok Dance Nila Ni Alex G; Rozz Daniels First Guest Sa Opening Salvo Ng “Talk To Me” At Celeb Judge Rin Sa Singing Contest Sa Pampanga

0 36

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Yes, in real life lalo na noong younger days ni Mommy Pinty Gonzaga ay hilig niya talaga ang pagsasayaw. So alam na this, kung kanino nagmana sina Toni at Alex Gonzaga. Kita niyo naman sa mga upload videos ni Alex sa kanyang social media accounts ay nakasasabay lagi sa mga tiktok dance nila ni Toni, ang kanilang Mommy Pinty. At itong latest na Eyeberry tiktok dance ng parehong endorsement ng mag-mommy. Carry-carry ni Mommy Pinty na humataw ng sayaw kay Alex at kapansin-pansin ang pagiging bagets looking nito sa kanyang short hair.

Two years ng endorser ng Eyeberry at Eyeberry Gold sina Mommy Pinty at Alex at last December ay nagkaroon sila ng photo shoot. Parehong napatunayan ng dalawa na mabisang eye protection talaga ang pag-inom ng herbal supplement na ito with Lutien lalong-lalo na kapag pagod sa maghapon ang mata. Eyeberry is created from 100% natural and organic Eyebright Flower extract and Bilberry berries that nourishes and protect the delicate tissue of the eye. This is available at Mercury Drug Store, Watsons, Rose Pharmacy, and Southstar Drug Nationwide.

Aside sa Eyeberry, ay nananatiling endorsers sina Mommy Pinty at Alex with Daddy Bonoy ng Chef Ayb’s Paragis Herbal Tea and Capsules na popular na sa iba’t-ibang bansa. Marami pang pinagsamahang endorsement si Mommy Pinty at Alex tulad ng Silver Swan Wow Sarap na kasama rin nila si Daddy Bonoy. Nasa 6.6 million ang views ng FUNtaserye nito sa NutriAsia official Youtube channel. Yes ganyan ka effective na product endorsers ang Gonzaga family kasama si Toni Gonzaga na naging reyna rin sa rami ng ginawang endorsements. And she considered as one of the highest paid Celebrity endorser.

***

Ang ating “INDEPENDENT CONCERT QUEEN” na si Rozz Daniels at tinutulungang batang singer na si Ahlia Chantale Encinares. Ang magiging special na bisita ni Direk Benny sa opening salvo ng kanyang “TALK TO ME” sa EuroTV Philippines na itinanghal kamakailan na Most Viewed TV Program ng istasyon.

Ayon, pa kay Direk Benny ay si Rozz, ang napili niyang first guest sa kanyang show ay dahil sa magandang feedback sa viewers ng maging panauhin nila ang said Pop Rock Diva na umani ng halos 400K viewership. Yes ganyan kalakas ang dating ni Rozz at malakas ang karisma niya sa masa. Para naman sa guesting ni Rozz sa unang episode ng Talk To Me ngayong taong 2026. Magdu-duet sila ni Ahlia ng isang birit song na tiyak na hahangaan ninyo. Parehong produkto ng Singing Contest ang dalawa. Si Rozz ay ilang beses ng naging grand champion sa amerika at nagkamit ng maraming awards sa singing career. At nagkaroon pa ng matagumpay na solo concert sa Viva Cafe. Samantalang, produkto naman ng The Voice Kids 2025 itong si Ahlia Chantale Encinares. At kaya nag-improve ang birit skills ni Ahlia ay dahil sa paghasa sa kanya ni Rozz. Naniniwala kasi ang Pop Rock Diva na malayo rin ang mararating ng career ni Ahlia kaya’t sinusuportahan niya ito. Samantala, aside sa guesting ni Rozz sa Talk To Me. This January ay siya ang kinuhang celebrity judge sa malaking Singing Contest sa Pampanga. At excited na si Rozz sa event na ito lalo’t naging kontesera rin siya noon sa murang edad niya hanggang sa mapunta sa Chicago.