Advertisers
Ni Beth Gelena
Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang kanyang mga karanasan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa social media.
Kasama sa kanyang mga post ang isang carousel ng mga larawan at isang maikling video na nagpapakita ng mga sandali mula sa iba’t ibang lokasyon, kabilang ang isang lugar ng salu-salo at ng isang simbahan.
Masayang nagbabakasyon ang aktres kasama ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin at Sophia Laforteza ng KATSEYE. Niyakap din niya ang isang misteryosong lalaki na isa sa mga nasa larawan.
Isa itong maikling video clip na nagdodokumento ng kanyang mga masasayang sandali.
Base sa mga larawan, ang mga pagdiriwang ng kapaskuhan ni Andrea ay nakakalat sa iba’t ibang lokasyon.
Sa pagpasok ng 2026, masayang magkasama naman sina Andrea at ang rumored boyfriend na si Pankie Capistrano sa countdown ng BGC.
Samantala, na-curious naman ang netizen sa isang larawan na partikular na nakakuha ng atensyon, kung saan makikita si Andrea na yakap ang isang misteryosong lalaki, na nag-iwan sa mga tagahanga ng kuryosidad kung sino ang kasama nito. Pinasimple lang ni Andrea ang caption, at ang isinulat lang niya ay: “Pasko at NY.”
***
KYLINE SINALUBONG ANG 2026 NA MAS STRONG PERSON
Sinalubong ni Kyline Alcantara ang year 2026 with resilience and a ‘hunger expressed gratitude sa pagwawakas ng 2025.
Pinagnilayan ng aktres kung paano magpakita ng bagong antas ng katatagan ang mga hamon noong nakaraang taon.
Ibinahagi niya ang isang larawan ng Kapuso Countdown 2026 to mark the New Year.
Ayon sa Kapuso aktres handa na raw niyang harapin ang 2026 ng mas meaningful at nakafocus sa kanyang trabaho at mas magiging stronger person daw siya sa taong ito.
Aniya sa kanyang IG Stories, “Grateful to be ending 2025 working and stepping into 2026 still doing what I am passionate about.”
Aniya pa, “shaped me, challenged me, and revealed another level of resilience within me.”
She described herself as being “grounded, focused, and hungry for growth” as she faces the months ahead.
Sa panghuli, “2026, I am not waiting for you to be easy. I am ready for you to be meaningful.”
***
CARLA NAGREAK SA HUMOROUS UNIQUE WEDDING CAKE NI JANUS
Nagreak si Carla Abellana sa humor post ni Janus del Prado hinggil sa “unique” wedding cake nila ng mister na si Dr. Reginald Santos.
Kakaiba kasi ang wedding cake ng newly wed couple na isang rectangular shape na maging ang netizens ay nagulat din kung Bakit ganoon ang style ng kanilang wedding cake.
Sa post ng actor sa kanyang Instagram, ay ibinahagi niya ang photo ng newlyweds standing beside their rectangular wedding cake.
Ang caption na kanyang sinulat, “Cake! Ba’t mo kami Iniwan! Huhuhu!”
Dagdag pa ni Janus, “Sisiw na lang kulang,” seemingly comparing the long, flat cake to a funeral setup.
Agad na sinagot ng Kapuso aktres direkta kay Janus.
Esplika niya, “Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante,” Carla replied, shutting down the mockery with grace and positivity.
Isang fan ni Carla ang nagkomento, “Maliit na bagay yan mems hayaan mo sila!! bawing bawi sa mukha mong parang si mama mary lahat yan!”
Ayon naman sa isang commenter, “@carlaangeline and I know that’s the new wedding trend this coming 2026… mga pahabang wedding cake. Uso na dito yan sa US.”