Advertisers

Advertisers

Pulis, patay sa salpok ng ‘kamote rider’

0 111

Advertisers

Dead on arrival sa ospital ang isang pulis nang aksidenteng makasalpukan ang kapwa motorcycle rider sa bayan ng Hagonoy, Bulacan nitong Huwebes, Enero 1.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Reniel Dela Mines, 27, may asawa, nakatalaga sa Malolos Police Station at residente ng Brgy. Carillo.

Sa report ng Hagonoy Police Station, naganap ang insidente 12:30 ng tanghali sa Brgy. Iba.



Ayon sa report, isang tawag sa cellphone mula sa Brgy. Iba ang natanggap ng istasyon na nagsabing may nangyaring vehicular accident sa kanilang lugar.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis ng nasabing istasyon at nag-imbestiga sa lugar kasabay ng pagdating ng Hagonoy Rescue.



Ayon sa imbestigasyon, habang binabagtas ng biktima, lulan ng Suzuki FU150MFX, ang northbound patungong Malolos proper, “kinain” ang kanyang linya ng kasalubong na rider na sakay ng Honda Beat kaya sila nagsalpukan.

Dahil dito, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima at duguang dinala sa Bulacan Medical Center subali’t idineklarang dead on arrival ng attending physician.



Samantala, ang suspek na si alyas “Ed,” 21, binata, construction worker at residente ng Brgy. Iba o Este, Calumpit, nasa kustodiya ng istasyon at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, paglabag sa R.A. 4136 (Driving Without License) at R.A. 10054 (Driving Without Helmet).