Advertisers

Advertisers

Parak todas sa ambush

0 11

Advertisers

Nasawi ang isang police staff sergeant na biktima ng ambush habang pauwi upang salubungin sana ang bagong taon kasama ang kanyang pamilya sa Barangay Poblacion sa Diplahan, Zamboanga Sibugay noong Miyerkules ng gabi.



Sa ulat nitong Biyernes ng Diplahan Municipal Police Station at ng mga officials ng Police Regional Office 9, ang napaslang na pulis, na si Staff Sgt. Juneray Estallo Gamones, naka-assign sa Zamboanga del Sur Provincial Police Office na naka-base sa Camp Avelino sa Pagadian City, isa sa apat na lungsod na sakop ng PRO 9.

Ayon sa report, sakay ng kanyang motorsiklo si Gamones, pauwi sa kanila sa Malangas, Zamboanga Sibugay ng tambangan ng mga armadong kalalakihan isang bahagi ng Pagadian-Zamboanga Sibugay Highway sa Barangay Poblacion sa Barangay Diplahan na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.



Mabalis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Gamones gamit ang isang motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, kinuha muna ng mga salarin ang service firearm ni Gamones bago sila mabilis na tumakas.