Advertisers

Advertisers

AMOY PASKO NA, KILOS NA

0 177

Advertisers

BILANG na ang mga araw mula pa noong buwan ng Setyembre patungkol sa pagsapit ang kinagigiliwan ng ating mga kababayan lalo na ng mga bata – ang Kapaskuhan.

Subalit alam naman natin na habang lumalapit ang takdang araw na ito ay dumarami naman ang problema na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno upang mabigyang ng solusyon.

Ngayon pa lang ay unti-unti nang sumisikip ang daloy ng trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa lalo na sa mga maliliit na siyudad kaya maraming oras ang masasayang kung hindi ito tutugunan ng gobyerno.



May mga kababayan naman tayo riyan na mapagsamantala sa panahon ng Kapaskuhan kaya lampas pa sa langit ang taas ng presyo ng kanilang mga paninda dahil alam nilang pumapatol ang mga kababayan natin sa panahon na ito.

Ilan lamang ito sa problema na dapat tugunan ng ating gobyerno upang masiguro na magiging maalwan, mapayapa at hindi maging biktima ng mapagsamantala ang ating mga kababayan sa paggunita ng Kapaskuhan.



Ipatutupad na sa Metro Manila ang bagong oras ng mga pamilihan o malls bilang tugon ng gobyerno sa nagbabantang sobrang pagsikip ng daloy ng trapiko dahil pihadong marami sa ating mga kababayan ang magtutungo sa mga lugar na ito.

May ginawa rin aksiyon ang gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang mga mapagsamantala sa presyo ng mga produkto lalo na yung mga gamit sa paghahanda ng pagkain.



Siguradong hindi naman [nawa] kulelat ang pamunuan ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay seguridad habang ginugunita ang Kapaskuhan kung saan sinasabing maraming naitatalang krimen sa panahon na ito gaya ng panghoholdap.

Sa usapin ng mga pasilidad na may kaugnayan sa transportasyon ay nariyan ang Department of Transportation (DOTr) gaya ng paghahanda sa mga terminal ng bus, paliparan at mga pantalan sa buong bansa.

Ito ang ilan sa mga aksiyon na dapat sana ay asahan ng taumbayan lalo na’t sinasabing sa Pinas nagaganap ang pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan na nagsisimula sa kalagitnaan [daw] ng Setyembre hanggang ika-anim ng Enero.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com