Advertisers

Advertisers

Decriminalization ng paggamit ng iligal na droga isinusulong sa Senado

0 135

Advertisers

ISINUSULONG ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang decriminalization ng paggamit ng iligal na droga sa bansa upang mabawasan ang nakakulong at tugunan ang drug addiction bilang isyung pangkalusugan sa halip na paglabag sa batas.

Ayon kay Dela Rosa, dating hepe ng PNP na naglunsad ng drug war sa panahon ng dating Pangulong Duterte kanyang ipinanukala ito matapos susugan ni Senador Robin Padilla ang panukala sa ginanap na pagdinig kamakailan.

“I am the author of the bill. Ako mismo ang gumawa, nag-author niyan at gusto ko talaga,” wika ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order ang illegal drugs.



Nilinaw ng senador na hindi kasali sa panukala ang pagbebenta, pagmamanupaktura at trafficking ng droga.

Ipinaliwanag pa ng senador na hindi ikukulong ang sinumang mahuhuling gumagamit ng droga bagkus, dadalhin sila sa rehabilitation center upang magamot.

“So in order to decongest itong mga kulungan, sabi natin i-decriminalize na lang ‘yan dahil ‘yun namang mga rehabilitation centers natin ay hindi napupuno,” punto niya.

Tinukoy din ng senador na umabot lamang sa 50 % ang occupancy rate ng drug rehabilitation center sa buong bansa, katunayan ginamit nang COVID facility ang Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ecija sa kawalan ng pasyente.

Sinuspinde ni Dela Rosa ang pagdinig matapos mahigpit na tinutulan ito ng law enforcement agencies.

Iginigiit ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, at National Bureau of Investigation na baka magkaron ng maling interprestasyon ang panukala sa kabataan na okay lamang ang paggamit ng droga. (Mylene Alfonso)



“Yung hearing na ‘yun sinuspend ko muna. Mag-hearing tayo uli dahil mabigat na talakayan ang kailangan dito para we will come up with a very good piece of legislation. Hindi ‘yung mamadaliin natin. Pag-usapan nating mabuti ito,” giit nito.

Aniya, tinatalakay ng panel ang panukala partikular ang ideya na magkaroon ng decriminalization ng paggamit ng droga.

“Siguro, hindi pa kasi natin na-tackle itong batas na ito, ‘yung instead of, i-decriminalize natin ‘yung drug using, instead of imprisonment, automatic i-rehab sila,” wika pa niya.

Sinegundahan naman ni Padilla ang panukala sa pagsasabing nagiging malala ang drug user kapag nahalo sa mga tunay na kriminal sa loob ng kulungan.

“Maganda po ‘yung sinabi ni Mr. Chairman na maihiwalay po sila sa mga kriminal dahil sa totoo lang po offenders lang itong mga ito. Kaya sana po mangyari ‘yun, Mr. Chairman,” punto ni Padilla. (Mylene Alfonso)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More