Advertisers

Advertisers

Multi-billion peso fund transfer ng DICT at MMDA silip sa Kamara

0 149

Advertisers

PINABUBUSISI ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa halagang P1.1-billion.

Ang nasabing proyekto ay para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development.

Diin ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots sa halagang P12 billion.



Bahagi rin ng alokasyon ang nasa P3 billion hanggang P4 billion na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Memorandums of Agreement (MOAs).

Punto ng mambabatas tanging ang Congress ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer.

Sinabi pa ni Rep. Daza na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc. Ibinunyag din nito na walang postings sa website ng MMDA’s hinggil sa umanoy awarding of bidding.

Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.

Maging ang validity ng joint ventures kinuwestiyon din ng mambabatas.

Tanong din ni Daza kung binigyan din ba ng MMDA ng sapat na panahon ang mga qualified bidders.



”Let’s just hope that our assumption of good faith holds true, otherwise, MMDA may just stand for ‘Money Making from DICT Allocations’,” pahayag ni Rep. Daza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More