Advertisers

Advertisers

JJASGH kinilala ng PHA – Mayor Honey

0 196

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na umani ng maraming pagkilala mula sa Philippine Hospital Association (PHA) ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).

Dahil dito ay pinuri ni Lacuna si JJASGH Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino gayundin ang lahat ng kawani ng nasabing ospital dahil sa kanilang walang kapagurang paglilingkod at sa pagbibigay serbisyo sa lahat ng nangangailangan.

Labis na ipinagmamalaki ni Lacuna, na isa ring doktor na ang lahat ng ospital sa anim na distrito ng Maynila ay nagawang magtamo ng karangalan dahil sa kanilang mga natatanging gawain. Ito ay sa gitna ng panawagan ng alkalde na patuloy na gumawa ng mga kakaibang paraan upang lalo pang mapabuti ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa lahat ng Manileño.



Sa kanyang bahagi, ibinahagi ni Faustino-Sacdalan ang karangalan sa kanyang mga kapwa manggagawa at sinabing ang tagumpay ng kanilang ospital ay dahil na rin sa joint efforts. Sinabi pa nito na hindi niya mapagtatagumpayan ang lahat kung wala ang mga kawani na nasa likod ng pang-araw-araw na operasyon ng JJASGH.

Ang mga karangalang tinamo ng JJASGH ay ang mga sumusunod: Overall Winner, Level 1 Hospital; Best in Hand Hygiene; Best in Environmental Cleaning and Decontamination; Best Infection Prevention Control Nurse, Level 1 Hospital.



Ang JJASGH 3rd place din sa PHA Handwashing Best Practices Tiktok Video: People’s Choice Award.

Kamakailan lamang, si Faustino ay kinilala bilang regional winner ng “Dangal Ng Bayan” Awards ng Civil Service Commission (CSC) dahil sa kalidad ng libreng serbisyong medikal na ibinibigay ng JJASGH, na isa sa anim na six district hospitals na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.



Sa gitna ng mga karangalang ito, sinabi ni Faustino na siya at ang kanyang team ay nangangakong mag-iisip pa ng mga paraan upang higit pang paghusayin ang serbisyong ibinibigay ng JJASGH sa mga residente ng Maynila at maging sa mga nakatira sa labas ng lungsod na nagtutungo sa ospital upang humingi ng tulong. Nanawagan din siya sa lahat ng mga kawani ng ospital na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa kanilang mga pasyente.

Ang Dangal ng Bayan (DNB) Award o Outstanding Public Officials and Employees’ Award for exemplary ethical behavior ay iginagawas sa isang indibidwal dahil sa kanyang “performance of an extraordinary act or public service and consistent demonstration of exemplary ethical behavior on the basis of observance of the eight norms of conduct provided under Republic Act No. 6713, or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” Ito ay kinabibilangang ng : commitment to public interest; professionalism; justness and sincerity; political neutrality; responsiveness to the public; nationalism and patriotism; commitment to democracy and simple living.

Nabatid na ang JJASGH ay ginawaran na din ng ISO 9001:2008 Certification noog July 8, 2016 matagumpay na nakapagtransisyon sa latest version ISO 9001:2015 on August 8, 2018. Ang ibig sabihin ng ISO Certified institution ay nakasunod ito sa international standards, procedures and service quality. (ANDI GARCIA)