Advertisers

Advertisers

GENERAL AZURIN INUTIL VS ILLEGAL GAMBLING?

0 324

Advertisers

Tila hindi lamang malamya ang klase o uri ng LIDERATO ni PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin Jr.,inutil din ito at lelembut-lembot pagdating sa pagde- desiplina ng kanyang mga tauhan lalo na pagdating sa kanyang mga opisyal.

Alam nyo po ba dear readers na largado na sa buong bansa ang operasyon ng illegal gambling o ang tinaguriang 1602 sa police parlance.

Dahil nationwide ang unabated operations ng nasabing mga iligal na sugal,di natin kayang kuwentahin ang kuwartang pumapasok sa lukbutan ng ating mga kapulisan!



Lalo na ngayong Kapaskuhan kung saan nagkukumahog ang lahat ng operators ng sugal-lupa para tumabo ng sangkaterbang salapi mula sa kanilang clandestine operations.

Ang masakit pa dito,iligal na nga may DAYA pa!

Kaliwa’t kanan din Ang pasusulputan ng mga nagpapakilalang mga pulis na “kolektong” (kolektor ng tong o payola) ng PNP.

Kung malumanay at may “finest” ang imahe ni Gen.Azurin sa pagharap sa media tuwing may press conferences itong ginagawa, kabaligtaran naman umano ito sa kanyang tunay na pag-uugali tuwing may maaatrasong “PARATING” mula sa kanyang mga PDs at RDs.

‘ Yan ay ayon naman sa ilang dismayadong staff ng heneral dyan sa Kampo Crame ha?



Sa NCR pa lamang daw, hindi na masukat- isipin kung magkanong “intelehensiya” na ang sumasaka papunta sa opisina ng chief PNP mula sa illegal gambling!

Paano pa nga raw yung iba pang uri ng vices gaya ng prostitusyon at iba pang vertical na diskarte ng mga sindikato.

Marami na talagang opisyal dyan sa Kampo Crame na bundat na bundat na lalo na ngayong Christmas season.

Ayahay talaga ang buhay!

Kung Paskong-paskong sa Kampo Crame, mas lalo na umano Ang atmosphere sa DILG at sa opisina ni Sec.Benhur Abalos.

Labas- masok na raw umano ngayon ang mga Santa Claus na sugo ng mga kilalang gambling lords!

Kaya naman pala pati ang National Bureau of Investigation (NBI) ay may designated bagmen na rin pagdating sa operasyon ng illegal gambling.

Ayaw magpagulang at magpa-isa kung kaya’t bumuo ng isang elite “kubransa/ intel” unit na para sa koleksyon ng intelehensiya na pinamumunuan ng isang alyas Tata Jerry at Marcial, mga nagpapakilalang bata ni NBI Director Medardo Delemos.

Manhid sa mga pagbatikos ng media ang mga opisyal na ito dahil kung ang mismong Presidente BBM ay dedma sa iba pang mahahalagang isyu ng bansa,sila pa kaya na mga alila lamang?

Kung inutil ang lider,eh di BULOK din ang mga tauhan!

Kaya pilit na rin nating sinasanay ang panunaw natin para sikmurain ang namamahong sistemang umiiral sa ngayon.

Tutal,wala namang forever!

After 6 years,goodbye at lalayas na rin ang mga HINDOT na ‘ yan!

For the meantime ika nga sa kasabihan…

“if you can not beat them,you might as well lick them and join them”!

Gaya ng mga miyembro ng gabinete at iba pang opisyal ni PBBM na pati tumbong ng Presidente hinihimod!

Kaya naman pala pati dila ng mga ito at pagmumukha ay tinubuan na ng kalyo.

Nakalimutan nang mahiya sa tao!

May matinding kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com