Advertisers
NAMATAY na nitong nakalipas na Biyernes, Dec. 9, ang grand winner ng Pilipinas Got Talent noong 2010 na si Jovit Baldivino dahil sa sakit na aneurysm.
Ayon sa kanyang fiance na si Camille Ann Miguel, kinontak daw ng isang kaibigan si Jovit para mag-perform sa Batangas City.
Pinagbawalan umano ng kanyang doktor si Jovit na kumanta pero hindi anya ito nagpapigil.
Nabatid na nakatatlong kanta raw si Jovit pero pagdating sa kanyang 3rd song ay nahihirapan na itong huminga.
Nagkaroon daw ng blood clot si Jovit na nagresulta sa pagka-coma nito ng ilang araw hanggang sa mamatay. (BKC)