Advertisers

Advertisers

SIM REGISTRATION ACT EPEKTIBO SIMULA DEC. 27

0 205

Advertisers

SIMULA sa Disyembre 27 ay magiging epektibo na ang SIM Registration Act.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ng implementing rules para sa nasabing usapin.

Nakasaad sa nasabing panuntunan na nire-require ang lahat ng mga mobile subscriber na i-enroll ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o anim na buwan mula ng maging epektibo ang nasabing batas at kapag hindi naiparehistro ay otomatikong made-deactivate ang kanilang cards.



Maari lamang nilang mare-activate ang kanilang SIM cards sa loob ng limang araw.

Isasagawa ang nasabing SIM registration sa ligtas na platform o website mula sa mga telecommunications company.

Ang mga individual users ay kailangan ibigay ang kanilang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, tirahan at magpakita ng valid government ID o mga dokumento habang ang mga business users ay kailangan ibigay ang kanilang business name, business address at ang buong pangalan ng authorized signatory.

Ang mga dayuhan naman ay kailangan din na ibigay ang kanilang personal data habang ang mga bisitang turista ay mabibigyan ng SIM cards na may balidong hanggang 30 araw.

Maglalabas naman ang ilang telecommunications company ng ibang detalye ng kanilang SIM registration portal sa mga susunod na araw.



Layon ng SIM Registration Act na mabawasan ang mga panloloko at ilang criminal activites na gamit ang mga cellphones.