Advertisers

Advertisers

Basta’t kuwarta ang pag-uusapan…HIGIT 200 KONGRESISTA APRUB AGAD SA ‘MAHARLIKA’, PERO ANG LEGAL CHIEF NI PBBM KABADO

0 176

Advertisers

IBINUNYAG ng dalawang beteranong mambabatas na mahigit 200 kongresista ang sumusuporta sa panukala na magkaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Sinabi ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo, isa sa mga author ng House Bill 6608, na nasa 216 ang co-authors, habang sa tantiya ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman at Manila 5th District Rep. Irwin Tieng nasa 200 solons ang pro-Maharlika.

“I cannot confirm pero based on the advice of my committee secretary it’s around 200,” sabi ni Tieng sa panayam ng ANC.



“Last time I checked… it was 80 kasi from 3 committees, 3 committees that’s around 20-plus members per committee so around nasa 80 ang co-authors but they were saying as of yesterday evening it was around 200,” dagdag ni Tieng.

Para magtagumpay ang isinusulong na panukala sa House of Representatives, nangangailangan ito ng suporta ng majority— mga kalahati ng kabuuang 312 congressmen plus 1.



Sinabi ni Tieng na naniniwala siyang marami nang mambabatas ang nakaunawa sa bill, at dahil narin sa pag-endorso ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa panukala.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang Maharlika Wealth Fund sa Pilipinas para makaahon ito sa lagapak na ekonomiya at sa mataas na inflation rate.



Sinabi ni Tieng na walang political pressure para aprubahan ang MIF Bill.

“Nobody ordered me to take this up. It was sent to my committee so we studied and we put safeguards,” ani Tieng.

Sinisiguro rin ni Tieng na ang panukalang sovereign wealth fund ay “safe,” titiyakin na ang pondo ay hindi mapupunta sa kawalan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang fund managers.

Sinimulan na ng House ang plenary deliberations sa Maharlika bill nitong Lunes ng gabi.

Ang Kongreso ay mag-a-adjourn ngayong linggo para sa holidays. Babalik ang sessions sa kalagitnaan ng Enero.

Samantala, sinabi ni Presidential Legal Counsel chief Juan Ponce Enrile na bagama’t hindi siya kontra sa MIF, kailangan pag-aralan muna itong mabuti. Dahil kapag naging batas sa termino ni Pangulong Marcos, Jr. at mauwi sa pagkabangkarote ay tiyak na si Marcos ang masisisi.