Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad, 2 tanod niratrat habang nagbi-videoke

0 132

Advertisers

PATAY ang isang barangay kagawad at dalawang tanod, at 2 pa ang sugatan nang pagbabarilin habang nagbi-videoke sa Dumalinao, Zamboanga Del Sur

Kinilala ang mga nasawi na sina Richard Danago Evadientes, 38 anyos, kagawad ng Barangay Upper Dumalinao; mga tanod na sina Arnold Evadientes, 44, pinsan ng kagawad; at Joel Mendes Espadilla; habang nilalapatan sa Zamboanga Del Sur Medical Center ang dalawang sugatan na sina Eugene Borja at Cerillo Saranillo.

Sa report, 12:30 ng tanghali nang maganap ang pamamaril sa Purok Banaba, Brgy Upper Dumalinao.



Nag-iinuman at nagvi-videoke ang mga biktima sa bahay ng isang Romeo Evedientes nang pasukin ng 3 armadong mga lalaki at pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay sa motorsiklo.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala mula sa caliber 45 at 9mm.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">