Advertisers

Advertisers

6 sundalo sugatan sa land mine

0 208

Advertisers

SUGATAN ang anim na sundalo nang sumabog ang anti-personnel mines na itinanim ng miyembro ng New People’s Army sa Las Navas, Nothern Samar.

Ayon kay Lt. Col. Joemar Buban, commanding officer ng 20th Infantry Battalion, naganap ang insidente sa Barangay Quirino, Las Navas.

Nagsasagawa ang 20th IB at 8-IB-PA ng water system project sa nasabing barangay na tumatanggap ng Support to Barangay Development Program 2022, bilang bahagi ng programa ng



National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Subalit, pagdating sa nasabing lugar biglang sumabog ang bomba na ikinasugat ng 7 sundalo na ngayon ay nilalapatan ng lunas.



Kaugnay nito, nanawagan si Buban sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang tinatawag niyang “continuous inexcusable violations” ng Ottawa Convention, International Humanitarian Law, at RA 985, ng NPA sa Northern Samar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">