Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang dating pulis na pangunahing suspek sa pagholdap sa supervisor ng J&T Express sa Sara, Iloilo nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang nadakip na si dismissed police officer Lyman John Ochenta, na nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Ayon kay Lt. Colonel Norlan Perante, hepe ng Sara Municipal Police Station, isa si Ochenta sa mga suspek na nangholdap sa supervisor ng J&T Express at tinangay ang P1.1 million cash.
Sinabi ni Perante, sakay ang mga biktima ng motorsiklo at magre-remit sana ng pera nang harangin sila at tinutukan ng baril ng suspek na sakay rin ng motorsiklo sabay deklara ng hold up.
Tinangay ng mga suspek ang nasabing halaga ng pera, subalit minalas si Ochenta nang nadakip ito sa manhunt operation. Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang iba pa nitong kasama.
Positibong kinilala ng mga biktima si Ochenta, subalit mariin nitong itinanggi ang akusasyon.
Nahaharap si Oncheta sa kasong Robbery