Advertisers

Advertisers

JANINE MAGHIHIGANTI LABAN SA PAMILYA NI ZANJOE SA “DIRTY LINEN”

0 251

Advertisers

KAYA pa bang manaig ang pagmamahalan sa isang relasyong nadungisan ng kasinungalingan?
Sukdulan na ang paghihiganti ni Janine Gutierrez upang maningil ng hustisya laban sa makapangyarihang pamilya ni Zanjoe Marudo sa pinaka-pamatay na Kapamilya revenge drama na “Dirty Linen,” tampok ang award-winning cast na pinangungunahan nina Seth Fedelin, Francine Diaz, Zanjoe, at Janine.
Ang “Dirty Linen” ay sa ilalim ng direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, at mapapanood na ito simula ngayong Enero 23 ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Susundan ng kwento nito ang paghihiganti ni Alexa (Janine) sa pamilya Fiero, ang pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa bayan ng El Hambra, matapos ang biglaang pagkawala ng kanyang inang si Olivia (Dolly De Leon).
Lalong mababalot ng hinagpis at galit si Alexa dahil naniniwala siyang pinatay na ng mga Fiero ang kanyang ina at ipinapalabas lang nila na tumakas ito dahil sa pagnanakaw. Dahil dito, dahan-dahang pa-planuhin ni Alexa ang kanyang paniningil ng hustisya at mamamasukan siya bilang katulong ng pamilya Fiero.
Makakahanap din si Alexa ng kakampi sa itinuturing na niyang pangalawang pamilya, kina Rolando (Joel Torre), Lala (Jennica Garcia), Max (Christian Bables), at Nico (Seth). Magiging tanging pakay ng grupo nito ang pabagsakin ang mga Fiero dahil sila ang dahilan kung bakit nagdusa ang kanilang mga mahal sa buhay.