Advertisers

Advertisers

Kaso vs 17 pulis sangkot sa ‘Bloody Sunday’ massacre, ibinasura

0 166

Advertisers

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors nitong Martes ang kasong murder na inihain laban sa 17 pulis na sangkot sa tinawag na ‘Bloody Sunday’ massacre dulot ng pagpatay sa siyam na aktibista kabilang si labor leader Manny Asuncion noong 2021 sa CALABARZON.

Ayon sa DOJ, ibinasura ang kasong isinampa ng asawa ni Asuncion sa kadahilanang kulang umano ito ng matibay na ebidensya.

“We lament the demise of Emmanuel Asuncion. However, complainant and the evidence she submitted failed to discharge the obligation to prove the existence of a crime and identify the perpetrators,” nakasaad sa 23 pahinang resolusyon ng DOJ.



Nilagdaan ang nasabing resolusyon nina Senior Assistant State Prosecutor Rodan Parrocha at Assistant State Prosecutor Moises Yao Acayan.

Binasura ang kaso laban sa mga sumusunod na opisyal ng mga pulis na sina: Lt. Elbert M. Santos, Lt. Shay Jed Sapitula, Senior Master Sgt.Hector R. Cardinales, Master Sgt.Ariel P. Dela Cruz, Staff Sgt. Jemark Sajul, Cpl. Ernie A. Ambuyoc, Cpl. Mark John A. Defiesta, Cpl. Arjay Garcia, Cpl. Caidar Dimacangun, Cpl. Bryan Sanchez, Cpl. Ericson Lucido, Pat. Jayson Maala, Pat. Juan Plite, Pat. Jonathan Tatel, Pat. Prince Benjamin Torres, Pat. Jaime Turingan, at Pat. Lopera Rey PJ Dacara.



Ibabalik ang kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng karagdagang imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan ng mga may sala sa krimen.

Matatandaang noong Marso 7, 2021, siyam na mga aktibista ang pinatay, habang anim ang inaresto sa magkakasunod na operasyon ng pulisya at militar sa mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal, na siyang tinawag na ‘Bloody Sunday.’

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">