Advertisers

Advertisers

Sibuyas singlaki ng kamao, mabibili ng P330-P350 kada kilo sa Pasay

0 205

Advertisers

Mabibili ang mga sibuyas na singlaki ng kamao sa halagang P330 hanggang P350 kada kilo sa Pasay Public Market.

Sa ulat, sinabi ng ilang nagtitinda na imported ang mga ito. Nakuha nila ang mga ito sa Divisoria, pero hindi nila masabi ang eksaktong pinanggalingan ng mga sibuyas.

May mga puting sibuyas na rin na matagal nawala sa mga pamilihan.



Wala pang ipinalalabas na paliwanag at reaksyon ng Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa mga malalaking sibuyas.

Malaki na rin ang ibinaba ng presyo ng sibuyas mula P700 noong Disyembre, kaya unti-unti na rin nakababawi ang mga nagtitinda ng gulay.



Pero para sa maraming mamimili, mahal pa rin ang kasalukuyang presyo.

Inaprubahan nitong Enero ng DA ang pag-aangkat ng sibuyas.



Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tumatayong Agriculture Secretary, na kinailangan na ng Pilipinas na mag-import ng sibuyas.