Advertisers

Advertisers

4 Bigtime tulak, timbog sa Taguig

0 294

Advertisers

Naaresto ang apat na ‘high value individuals’ ng mga operatiba ng SPD District Drug Enforcement Unit kasama ang DID, DSOU, DMFB, PDEA-SDO at Taguig City Police Drug Enforcement Unit mula sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Taguig.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni SPD Disrict Director PBgen Kirby John Brion Kraft, nakilala ang unang naarestong HVI na sina Samson Laberento Balan, alias Butat, 30; at Ma. Elaine Gorospe Alcala, 33.

Ayon sa report, February 2, 2023 nang maaresto sina Samson at Elaine sa kahabaan ng 9th Street, Zone 1, Brgy. North Signal Village, Taguig City.



Nasamsam ng mga operatiba ang anim na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na shabu na humigit kumulang 72 gramo ang timbang na may standard drug price value na P489,600.00.

Samantala, February 3, 2023 nagresulta sa pagkakaaresto sa 2 High Value Individuals na kinilalang sina Kamarudin Intem Blah, 30; at Joy Gansiko Ensomo, 34 anyos; at pagkakakumpiska ng P523,600.00 halaga ng shabu.



Mahaharap ang mga suspek sa reklamong Paglabag sa Seksyon 5 at 11, Art II ng RA 9165 at kasalukuyang nakakulong sa SPD DDEU. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">