Advertisers

Advertisers

Pergalan sa Cubao, protektado ng mga awtoridad

0 123

Advertisers

Protektado umano ng mga awthoridad ang mala-casinong pergalan sa Cubao, Quezon City kung kaya’t ito ay untouchable at bawal hulihin.

Ayon sa mga saksi, parang lumalabas na meron itong blessing at kunsinti sa ilan kapulisan na nakadetine sa Central Police District (CPD) at ilan opisyal ng Quezon city hall.

Sa kabila ng kaliwa’t-kanan na mga ulat at batikos hinggil sa illegal na aktibidad ng pergalang ito, nanatiling dedma lang daw ang maintainer at financer nito.



Sinasabi daw ng operator nitong isang alias ” MYSTICA” na wala umanong mangyayari at hindi daw pwedeng mahinto ang kanilang pergalan dahil sa super lakas daw ang backer at koneksiyon nila.

Ilan beses na rin da itong nirereklamo sa Cubao Police Station dahil ang pergalang daw ito ang pinag-mumulan ng gulo, nakawan na minsan daw ay umaabot pa sa holdapan at isnatchan sa nasabing lugar.

Nakakabulahaw din anila ang malakas na ingay ng sound system nito sa buong magdamag na nakakaabala sa kanilang pagtulog.

Ang mga kaguluhan naman daw ay nagaganap kapag nasubo at talunan na sa sugal ang ilan mga puntos kung kaya’t lahat ng klase ng paraan upang makabawi ay kanilang ginagawa.

Dinagdag pa ng ilan mga concern citizen na halos gabi-gabi rin daw nilang nakikita ang mga mobile car ng pulis na umoorbit sa nasabing pergalan at personal na inaabutan ng mga tauhan ng maintainer.



Malaki daw ang posibilidad na kung kaya’t ang lahat ng kanilang reklamo ay balewala at hindi pina-pansin ng mga pulis na nakadetine sa nasabing lugar.

Sa puntong ito ay gusto nilang idulog ang kanilang problema sa District Director ng CPD at NCRPO na pinaniniwalaan nilang gagawa ng kaukulang aksiyon at hindi kukunsintihin ang illegal na aktibidad ng pergalang ito.

TINAKDANG MABUHAY LANE NG MMDA, MAMATAY LANE NA DAHIL SA MGA ILLEGAL PARKING

Ang tinakdang mabuhay lane ng Metro Manila Development Administration (MMDA) sa mga major road at throughfare sa lungsod ng Maynila ay patay na at tinatawag na ngayong mamatay lane.

May masabi lang na may ginagawa silang batas at ordinansa hinggil sa mga kalye sa Maynila nguni’t ito ay wala ring silbi at inbalido, bakit kamo?

Una sa lahat ay tinawag nilang mabuhay lane ito para panatiliing tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko na walang magiging obstruction tulad ng mga parking at anumang istrukturang maaaring makaabala dito.

Eh papaanong dadaloy ng tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko eh san-damakmak ang mga pay parking slot ng mga motorsiklo ang legal nilang pinayagan sa maraming kalsada major o minor road man.

Pera-pera lang ang labanan lalo na sa lungsod ng Maynila na kung saan pinaniniwalaang magka-sosyo ang ahensiya ng MMDA at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa koleksiyon sa mga parking slot na ito.

Sasabihin niyo bang mabuhay lane ang kahabaan ng CM Recto Avenue, Quezon Boulevard , Morayta hanggang Divisoria samantalang kabi-kabilang lane ng mga nasabing lugar ay okupado ng pay parking slot, MAGKANO HE… HE… HE…

Maliban sa mga nasabing kalye, lahat halos ng mga commercial establishment tulad ng mga mall, palengke at mga shopping center ay legal na rin ang pay parking slot partikular na sa mga motorsiklo.

Ultimo mga bakanteng kalsada sa labas ng mga simbahan ay ginawa na ring pay parking slot. Subukan niyong magsimba sa Quiapo church, Sta. Cruz church at sa Sto. Nino saTondo, pay parking slot pa rin ang namamayagpag.

Papaanong magiging mabuhay lane ang mga kalyeng ito… sige nga… tama lang na bansagan itong MAMATAY LANE ng mga motorista na naipit sa matinding trapik sa mga nasabing lugar, sa tagal daw makausad ay doon na sila tinubuan ng balbas…MABUHAY KAYO MMDA AT MTPB… HE… HE… HE…