Advertisers

Advertisers

2 Pinoy nasawi sa lindol sa Turkey; 1 ‘missing’ ligtas na!

0 191

Advertisers

INANUNSYO ng Philippine Embassy sa Turkey nitong Biyernes, Pebrero 10, na dalawang Pinoy ang nasawi sa Antakya district ng probinsya ng Hatay, Turkey nang yanigin ito ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa pahayag ng embassy, ang nasabing dalawang nasawi umano’y naiulat kamakailan na nawawala sa Antakya.

“The Embassy and Consulate General express their deepest condolences and are in coordination with the victims’ families in both the Philippines and in Turkiye,” pahayag ng embahada.



Tinitiyak naman ng Philippine Embassy sa Turkey na patuloy sila sa pagpapaabot ng tulong sa mga Pilipino apektado ng lindol.

Ayon pa sa embassy, mahigit sampung pamilyang Pilipino na ang nailikas nila mula sa Antakya papuntang Ankara, ang kapital ng Turkey kungsaan sila binigyan ng ligtas na masisilungan.



Isa ang distrito ng Antakya sa mga naapektuhan ng lindol na yumanig 4:17 ng madaling araw.

Nasagip at ligtas na ang Pinay na naunang iniulat na nawawala sa lindol.



Ito ang sinabi ni Cherilyn Santos, Filipino community leader sa Ankara.

Subali’t ang nakakalungkot aniya, tinatayang apat na iba pang Pinoy na kasama niya sa gumuhong gusali ang nawawala pa.

“Kahapon may na-recover na isang kababayan natin na two days ago, napabalitang patay, kinonpirm ng amo na patay. Pero na-recover siya kahapon lang ng hapon. So far, safe po siya,” pahayag pa ni Santos.
Iginiit naman ni Santos na hindi siya otorisadong maghayag ng pagkakakilanlan ng naturang Filipino.

Sa kasalukuyan, dalawang Pinoy ang kinumpirmang sugatan ng Philippine Embassy sa Turkey.

Sa ulat ng embahada, 248 Pinoy ang naapektuhan ng lindol.