Advertisers

Advertisers

Grade 12 student nahulog mula 6th floor ng iskul, patay

0 804

Advertisers

NASAWI ang 17 anyos na estudyan­te nang mahulog sa ika-6 na palapag ng gusali ng San Beda College sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City, Huwebes ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Noel Christie Habagon Santos Jr., Grade 12 student sa nasabing paaralan.

Sa inisyal na ulat nni P/Chief Master Sergeant Mark Sherwin Forastero, 12:05 ng tanghali nang lumagapak mula sa 6th floor ng Lady of Monserat Building, San Beda College of Alabang ang biktima.



Batay sa naging sa­laysay ng saksi na si Jasmin Aspuria Romano, canteen concessionaire sa nasabing kolehiyo na ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng nasabing gusali nang biglang bumagsak ang biktima.

Ini-report agad ni Romano ang insidente at isa sa rumesponde ang school nurse na si Airon Joris Aman, na nagbigay ng first aid bago ito isinugod sa Asian Medical Hospital sa Alabang, Muntinlupa City subali’t idineklarang patay ang biktima ala-1:16 ng hapon.



Rumesponde rin ang mga tauhan ng Sucat Police Sub-station Office.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para alamin kung aksidente ba itong nahulog o sadyang tumalon. Inaalam din kung may naganap na foul play sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">