Advertisers

Advertisers

Modus ng sindikato ng iligal na droga

0 218

Advertisers

BABALA!: Huwag basta tumanggap ng package kung wala naman kayong inaasahan lalo kung mula sa ibang bansa.

O kaya’y huwag basta makipagtransaksyon sa sinuman lalo foreigner kung hindi mo naman ito personal na kakilala.

Oo! Dahil ito ngayon ang bagong modus ng mga sindikato ng iligal na droga. Makikipagkaibigan sayo sa social media. Tapos ‘pag nakuha na ang loob mo, sasabihin padadalhan ka ng package. Pero ang package na ito ay careoff lang sayo, ibibigay mo kay ganito at bibigyan ka ng pera ‘pag nakuha na nung tao.



Ganito ang nangyari sa isang residente ng Paranaque City. Nagkaroon siya ng kakilalang foreigner sa social media. Tapos bigla siyang pinadalhan ng package. Pero nagduda ang residente, nagtawag ng barangay para buksan ang package. Nang mabuksan ay napag-alamang mga iligal na droga ang laman.

Mabuti nalang at hindi “controlled delivery” yung package, yun bang mga operatiba ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) o anti-drugs ng PNP (Philippine National Police) ang nag-deliver sayo tulad nung sa anak ni Justice Secretary “Boying” Remulla na si Juanito lll.



Mabuti nalang at magagaling ang mga abogado ni Remulla, inirason nila sa korte ang “chain of custody”, lapses ng mga operatiba sa pagpresenta ng kontrabando. Yun bang binuksan nila ang package nang walang presensiya ng barangay, kinatawan ng Department of Justice at media, mga requirement na hinihingi ng batas kapag binuksan ang pinaghihinalaang kontrabando.

Napalaya ang batang Remulla matapos ang halos tatlong buwan na pagkakulong.



Nitong mga nagdaang araw, panay ang aresto ng mga operatiba ng PDEA at PNP anti-drugs sa pamamagitan ng ‘controlled delivery’. Ewan lang natin kung sinunod na nila ang sinasabing chain of custody kundi ay baka mabasura rin ang mga kasong kagaya ng kay Remulla lll.

Again, paalala sa ating mga kababayan: Huwag basta tumanggap ng package mula sa taong hindi nyo personal na kakilala lalo kung mula sa ibang bansa at baka ginagamit na kayo ng mga sindikato ng iligal na droga. Okey?

***

Isa na namang police officer ang tinanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa isang tahanan sa Barangay Santiago, General Trias City, Cavite last year.

Ang sinibak ay si Lt. Reynald Afable, na napatunayang ‘guilty’ sa ‘grave misconduct’ at ‘conduct unbecoming of a police officer.

Ang nangyaring ito kay Afable ay magsilbi sanang babala sa mga pulis. Mahalin nila ang kanilang karera para makapagretiro ng maayos at mag-enjoy sa mga benepisyo mula sa gobyerno.

Opo! Aba’y ang hirap maging pulis, mga pare’t mare. Dadaan ka sa butas ng karayom: mag-aaral ng apat na taon sa college, magre-review para sa board exam, tapos mag-aaplay, sasailalim sa matinding training, tapos ‘pag nakasuot na ng uniporme magloloko lang? Tsk tsk tsk… Aba’y ‘pag ikaw ay nakasuot na ng uniporme, mag-isip ng isangdaang beses bago gumawa ng kalokohan. Okey?

***

Kuwento ni Ramon Tulfo: Mura na raw ang sibuyas sa palengke. Dalawang kulay na. Ang isa ay pula, lokal daw ito. At ang isa ay puti, kay Liza daw ito. Hahaha… Animal!