Advertisers

Advertisers

Ang smuggled sugar at ang ‘Special Order No. 6’; at 345 BuCor employees matatanggal!

0 185

Advertisers

IBINUNYAG ni Senador Risa Hontiveros sa kanyang privilege speech sa Senado ang hiwaga ng nasabat na smuggled sugar sa Port of Batangas at ang pag-isyu ng ‘Special Order No. 6’ para sa sugar importation nitong nakaraang buwan ng Enero ng taon.

Sabi ni Hontiveros, ilang araw matapos masabat ang nasabing smuggled sugar ay nag-isyu naman ng ‘SO No. 6’ ang Department of Agriculture – Sugar Regulatory Administration para mag-angkat ng 440,000 metriko tonelada ng asukal.

Ang naturang SO No. 6 ay pirmado raw nina Executive Secretary Lucas Bersamin at DA Usec. Domingo Panganiban, pero walang pirma ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. gayung ito ang Secretary ng DA. Araguy!!!



Ganito ang nangyari noon kay Vic Rodriguez eh. Kaya siya nasibak as Executive Secretary ay dahil sa pag-isyu ng special order para sa pag-aangkat ng asukal nang walang pirma ni PBBM.

Anyway, balikan natin ang nahuling smuggled sugar. Napaulat noong Enero 12 ng taon ay may dumating na barko (VOl MV Sunward) sa Port of Batangas. Kinabukasan ay ininspeksyon ito ng Customs operatives kasama ang Philippine Coast Guard. At nadiskubreng naglalaman ang barko ng 80,000 bags ng puting asukal na 50 kilos bawat bag, galing ng Thailand. Nagkakahalaga raw ito ng P240 million. Naka-consign ito sa Stone Int’l Co. Ltd ng Thai Sugar Teading Corp.



Duda si Sen. Hontiveros na ang nasabat na smuggled sugar ay may kaugnayan sa minadaling paglabas ng SO No. 6 para siguro maituwid ang pagdating ng naturang kontrabando. Kaso natunugan ito ng Customs ng maaga bago pa nailabas ang SO No. 6. Puede!

Sabi ng Senadora, mukhang isponsor ng gobyerno ang sugar smuggling. Araguy!!! Kaya dapat itong imbestigahan! Dahil baka napalusutan na naman dito si PBBM tulad ng ginawa noon ni Vic Rodriguez.



Subaybayan!

Bad news! 345 empleyado ng Bureu of Correction (BuCor) magiging jobless simula sa Marso 15, 2023.

Ito’y matapos makatanggap ang mga ito ng attrition notice bunga ng pagpatupad ng BuCor Modernization Act, kungsaan ay kailangan professional at Civil Service eligibility lahat ng empleyado ng bureau.

Actually ang mga empleyadong ito ay sumunod naman sa hinihingi ng BuCor modernization act, nag-aral sila. Kaso natigil ng dalawang taon noong pandemya ng Covid-19. Kaya humihirit ang mga empleyadong ito na sila’y pagbigyan para ma-comply ang naturang requirement.

Binigyan kasi noon ng BuCor ng 5 years (simula 2018) ang mga empleyado para ma-comply ang requirements. Magtatapos ito sa Marso 15, 2023. Kaso natigil sa pag-aaral ang mga empleyado noong pandemya ng Covid-19, natigil din kasi ang financial support ng ahensiya,’di nasunod ang nasa IRR.

Ayon sa mga empleyado, ayaw na silang harapin ng bagong BuCor chief na si Gregorio Catapang.

Tingin ng mga empleyado, gusto lamang silang palitan para maipasok ang mga “bata bata” ni Catapang.

Justice Sec. Boying Remulla, need ng mga empleyadong ito ang iyong mabuting kalooban. Puede?