Advertisers

Advertisers

Miles mas type makilala bilang magaling kaysa sikat na artista

0 191

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAKATUTUWA ang two boys ni Kylie Padilla.
At their young age alam nila kung paano pasasayahin ang kanilang mommy.
Sa IG account ng celebrity mom ay ibinahagi niya kung paano siya sinamahan ng dalawang anak sa kanyang trabaho.
Ani Kylie, “I woke up 6:30am and was scrolling through my phone.”
Dagdag ni Kylie, “Someone with little tiny hands hugs me from behind, Alas woke up with me.”
Kwento pa ng actress, “After taking a shower, the boys were waiting on the couch. Just before leaving I said goodbye. ‘Hatid ka namin mama,’ Alas says. ‘Ok tara.’ I reply. ”
Pinayagan daw niyang samahan siya ng mga anak.
“As a working mom you take any precious moment you can get. Ang aga namin nakarating sa location so nag breakfast date muna kam.”
“It’s these simple, quiet moments that matter the most. I am truly grateful. Love you guys,” masayang sabi ni Kylie.
***
ALMOST three weeks nang naipalalabas ang Batang Quiapo pero ang role ni Miles Ocampo bilang young Maritess ay pinag-uusapan pa rin ng netizens.
Magda-dalawang dekada na rin si Miles sa showbiz, pero first time niyang na-experience na matagal na pinag-usapan sa social media.
Nabigyang justice kasi ni Miles ang role niya sa Batang Quiapo like nang reypin siya ng lead actor na si Coco Martin at nang iluwal niya ang anak.
Maging si Coco ay bumilib kay Miles lalo na’t hindi raw lahat ng eksena ay naka-relay sa script, including Marites’ birthing and confrontation with her mother, portrayed by Lara Quigaman.
“Lumaki ako doon sa ang bible namin ‘yung script namin talaga. May mga directors and writers na you have to say your line as is, sa script talaga,” ani Miles sa isang panayam.
Ayon sa young aktres, bago raw inalok sa kanya ang role na Maritess ay naghanap siya ng script.
Aniya, “Siyempre, bago mo tanggapin ang project, ‘Pabasa po ng script.’ ‘Wala pong script,’ sabi sa akin. ‘Ah, okay, sige!'”
“Parang ako, since Kuya Coco naman siya, Dreamscape naman siya, go lang ako.”
“Nag-trust ako kasi alam ko naman kung gaano sila kagaling gumawa ng mga proyekto nila.”
Kailangan daw ay dependable at generous sa mga batuhan ng on-the-spot lines at emotions.
“You have to be prepared all the time. Hindi ka puwedeng relax lang pagdating sa set,” sambit niya sa panayam.
“You have to be ready kasi spontaneous talaga. You have to say yes. Kung ano ibabato sa ‘yo, ia-accept mo lang. Iyon ‘yung papasok ka sa set na dapat ready ka at may bala ka. Hindi mo alam kung ano’ng ibibigay mong bala, basta may bala ka lang.”
“Ang totoo, noong ginagawa ko ‘yung project, wala akong ini-expect na anything.
“And confident po ako talaga, ginalingan ko. Alam ko sa sarili kong ginalingan ko at binigay ko ang best ko.”
Overwhelming si Miles dahil ang dami niyang nareresib na congratulatory messages mula sa mga kaibigan at netizens.
Maging ang ABS-CBN executives, naririnig niya left and right saying “Anak ko ‘yan!”
Nag trend worldwide ang performance ni Miles sa Batang Quiapo.
Lahad ng aktres, “Maraming pinto at bintana ang nagbukas for me because of ‘Batang Quiapo.’ I’m grateful talaga. Hanggang ngayon, kahit saan ako magpunta talaga, ‘Batang Quiapo.’ Ang dami ko pong naging anak ngayon bigla! ‘Anak ko ‘yan!’ Iyon na po ang tawag sa akin.
“Until now, paulit-ulit ko sinasabi, hindi ako makapaniwala kasi hindi po talaga ako makapaniwala. I’m just happy na hanggang ngayon, may nakaka-appreciate pa rin sa trabaho ko, sa ginagawa ko,” pagtatapos ni Miles.
Next year ay magse-celebrate na ng 20 years sa showbiz si Miles.
Ano ba ang kanyang goal sa kanyang career?
“Habang tumatagal, hindi mo na goal ‘yung maging sobrang sikat. It’s the longevity, iyon na ‘yung goal ko… Gusto ko makilala ako bilang magaling na artista, hindi sikat na artista. Kahit tumanda ako, ‘pag sinabi ang pangalan ko — ‘Uy, magaling ‘yan.’
“Nandito ako sa stage na kailangan ko siyang ingatan, kailangan ko siyang bigyang halaga, para hindi masayang ‘yung tiwala at galing na nakita nila sa akin, ng mga tao.”
***
SENATOR ROBIN AT DIREK MEILEY NAGKAINITAN SA HEARING NG PLANE MOVIE
NAGING mainit ang usapan nina Senator Robin Padilla at director Mark Meily dahil sa Hollywood movie na Plane.
Hiniling ni Senator Padilla na i-ban sa Pilipinas ang Hollywood movie na pinagbibidahan ni Gerald Butler dahil nakasisira umano ito sa imahe ng Pilipinas, partikular na sa mga kapatid na Muslim.
Nasa kalagitnaan na ng diskusyon, tinawagan nila sa telepono ang governor ng Jolo, Sulu na si Abdusakur Tan.
Nagpahayag si Governor Tan ng pagkadismaya sa pagsasalarawan ng Sulu sa Plane, pero alam naman daw niyang fiction lang ito at hindi alam ng nasa production ng pelikulang Plane kung ano talaga ang kanilang lalawigan.
Sey ng gobernador, “Sana huwag naman nilang gawin yan, dahil napakaganda ng ating lalawigan. Ang daming tourists na pumupunta.”
Pero hindi na lang daw nila pinapansin dahil hindi naman daw nila pinapanood, mas pinapanood daw nila sa Jolo ang local films, lalo na ang mga drama series na napapanood sa telebisyon.
Nagpasalamat naman si Governor Tan sa concern ni Senator Padilla sa mga kapatid niyang Muslim.
Nagpahayag din si Senator Grace Poe. Ani senadora, “Maganda yung sinabi niya na suportahan natin ang pelikulang Pilipino at sinabi rin niya tungkol sa pelikulang Plane, ito ay fictional movie, no?
“Kung matatandaan ninyo siguro, si FPJ [Fernando Poe Jr.] ang nakagawa ng maraming pelikulang naglalarawan ng kagandahan at kagalingan ng ating mga kapatid sa Mindanao.
“Kaya pag may mga sinasabi na ganyan, na ganito tungkol sa Mindanao, e, meron naman tayong pantapat diyan.
“At katulad nga ng sinabi mo, si 300 na aktor [Gerald Butler] dito sa pelikulang Plane. Meron din siyang ginawang pelikula sa London na parang ganun din na pelikula, na akala mo nga inutil din ang mga security forces diyan sa U.K., no?
“So, you know, that is not necessarily true, that is fiction.
“So, may pantapat din na pelikula that will dispel those claims of other movies.”
Ang tinutukoy ni Senator Poe na pelikula ni Butler ay ang London Has Fallen nung 2016.
Pinalakpakan ni DGPI President Mark Meily ang mga pahayag ng Gobernador at ng senadora na ikinagalit ng actor-politician.
Para sa kanya, kahit fiction ang pelikulang Plane, hindi sila papayag na ganun ang pagsasalarawan ng Sulu lalo na sa kanilang mga Muslim.
“Maaaring sa inyo, nakakapalakpak. Pero kaming mga Muslim, hindi kami magpapalakpak.
“Fiction sa inyo yan, pero tumatama sa amin yun.
“Jolo is not fiction. Philippines is not fiction. Lugar namin yun.
“Maaaring sa inyo, okay. Pero sa amin, mananatili ang posisyon namin, nasaktan kami rito.
“The Muslims will never accept that this movie is fiction. Maybe for you, but for us, no. Because, terrorism is never a part of our religion,” esplika pa ng senador.
Magpapaliwanag pa rin sana ang direktor, pero sinabihan siya ni Senator Padilla na nagtitimpi lang siya.
“Pumapalakpak ka, bawal dito. Kanina pa ako kumakalma sa inyo.
“Hindi ko gustong pumapalakpak ka, e. This is my hearing!” pagdidiin ni Senator Padilla.
Humingi naman ng paumanhin si Direk Mark at hindi na niya sinalubong ang galit ng senador.
Humingi rin naman ng paumanhin si Senador Robin bago matapos ang hearing sa mainit na pagtatalo, pero nilinaw niyang hindi sila magkakagalit.