Advertisers
PATINDI nang patindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija.”
To the rescue na ang isa sa mga clone na si Agape para iligtas si Hope (Kate Valdez) mula kay Lucas (Bernard Palanca). Maging successful kaya ang plano nila?
Panawagan ng fans, sana raw ay maging masaya na si Hope sa piling ng kanyang ina na si Diane (Katrina Halili) at mapanagot ang may atraso sa kanila. Talaga namang dalang-dala ang viewers sa mga pagsubok ng human clone!
Magkaroon nga kaya ng happy ending ang kuwento ni Hope? Tutukan ang huling linggo ng “Unica Hija” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20PM sa GMA-7.
***
The Clash 2023 may napili nang
Top 15
LALONG umiinit ang pasiklaban sa kantahan matapos mapili ang Top 15 sa The Clash 2023!
Lahat ng Clashers ay nagpamalas ng husay at talento sa stage pero may ilan na talaga namang nag-stand out!
Marami pang exciting twists at challenges ang naghihintay sa kanila. Subaybayan ang journey ng Clashers kasama ang The Clash Panel na sina ?Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.
Tuluy-tuloy rin ang kilig at inspiring na chikahan kasama ang Clash Masters na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob Rayver Cruz.
Tutukan ang “The Clash 2023” tuwing Linggo, 7:50PM sa GMA Network.
***
“LUV IS: Caught In His Arms,” may more than 400M views na sa TikTok
DAMANG-dama talaga ang LUV ng mga Kapuso matapos makakuha ng more than 400M views sa TikTok ang GMA primetime series na “LUV IS: Caught In His Arms.”
?Gabi-gabing nagpapakilig sa viewers at netizens ang new-gen leading lady na si Sofia Pablo at new-gen leading man na si Allen Ansay, kasama ang Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Pero may moments din na nagpapaiyak sa mga Kapuso gaya na lang ng pagiging heartbroken ni Florence (Sofia) kay Nero (Allen). Dahil diyan, titigil na si Florence bilang chef ng Ferell brothers!
Goodbye na nga ba talaga? Paano na ang dreams ni Florence? Wala na rin ba talagang chance between her and Nero?
Subaybayan ang “LUV IS: Caught In His Arms” Lunes hanggang Biyernes, 8:50PM sa GMA Telebabad. Mapapanood din ‘yan sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30PM at tuwing Biyernes, 11PM.