Advertisers

Advertisers

SA IKASUSULONG NG EKONOMIYA ROAD SAFETY ANG KAILANGAN!

0 3,322

Advertisers

Sa larangan ng EKONOMIYA ay napakahalaga ang sektor sa TRANSPORTATION para sa paghahatid ng iba’t ibang kalakalan.., kung saan ang ating bansa ay nasa ika-18 puwesto mula sa 39 bansa na bumubuo sa ASIA-PACIFIC REGION na isang solusyon nito ay ang pagpapaigting sa ROAD SAFETY.

Mula sa datos ng mga sakuna sa lansangan, ang ating bansa ay may humigit-kumulang na 35 aksidente sa mga lansangan ang nagaganap sa bawat araw o tinatayang 12,690 ang namamatay dulot ng road accidents sa loob ng isang taon.

Bunsod nito ay ipinapanawagan ng mga bumubuo ng PARTNERSHIP FOR ENHANCED ROAD SAFETY (PERS) sa CONGRESS at SENATE na palakasin pang higit ang paglikha ng mga batas para sa pagpapairal ng road safety at matiyak ang seguridad sa larangan ng transportasyon sa buong bansa.



Sa pagpupunto ni PERS EXECUTIVE DIRECTOR ATTY. ALEX ABATON ay napapanahon na umanong isama sa curriculum ng mga mag-aaral mula sa ELEMENTARY at HIGH SCHOOL ang araling ROAD SAFETY para matutunan ng mga estudyante ang kahalagahan sa ligtas na paggamit sa mga lansangan at ang pagsunod sa mga ipinaiiral na TRAFFIC RULES.., sa gayon ay maiwasan ang sakuna sa mga lansangan.

Aniya, kinakailangan umanong mapagtuunan ng ating mga mambabatas na maisama sa pag-aaral ng mga estudyante ang mga pumapaloob sa pagpapahalaga sa buhay ng mga gumagamit sa ating mga kakalsadahan na kinabibilangan ng mga pedestrian, nagbibisikleta, nagmomotor at nagsisipagbiyahe para sa ligtas na paggamit sa ating mga lansangan.



Batay sa mga pag-aaral ay 90% ng mga disgrasya o sakuna sa mga lansangan ay epekto sa kawalang-sapat sa kaalaman sa traffic rules at kakulangan sa kasanayang pagmamaneho.., kasi nga po ay may mga nagmamaneho na nakakuha ng kanilang lisensiya sa pamamagitan ng mga pandaraya o nagbayad para magkalisensiya na hindi dumaan sa mga proper training o seminar para matutunan dapat ang mga road sign; na ang mga sakuna sa lansangan sa ating bansa ay patuloy na tumataas sa 20% kada-taon.

Ang ROAD SAFETY ay napakahalaga at hindi ito isang ADVOCACY lamang kundi ito ay isang sistema sa ating pamumuhay na kailangang matiyak ang pagpapahalaga sa kasagraduhan sa pagrespeto sa mga karapatang-pantao para sa ligtas na pagbibiyahe.



Mga ka-ARYA.., si ATTY. ABATON ay 2-dekadang nanungkulan sa ahensiya ng transportasyon na naitalaga na sa iba’t ibang panig ng ating bansa ay nagpunto na ang larangan ng TRANSPORTATION ay malaking aspeto para sa progreso ng pambansang ekonomiya.

Malaki ang punto ng naturang abogado, na ang larangan ng TRANSPORTATION ang napakaimportanteng ambag para sa pagpapalago ng ating pambansang ekonomiya.., na kung walang maayos na daan.., kung walang maayos na sasakyan pang-lupa man o pang-katubigang transportasyon o panghimpapawid na transportasyon ay hindi maibibiyahe o maibebenta ang iba’t ibang produkto sa ating bansa. Ika nga, ang kalakalan ang buhay at ikabubuhay ng ating mga pamayanan, kaya dapat na laging ligtas ang mga pagbibiyahe sa ating bansa.

Bunsod nito.., ang ROAD SAFETY ay kailangan nang maipalaganap at maging bahagi sa mga dapat matutunan ng mga mag-aaral upang higit na mapayabong ang pag-unlad sa ating ekonomiya at higit ang mapaunlad ang kabuhayan ng bawat mamamayan.

Tama at dapat lang paigtingin ang seguridad sa transportasyon na base sa pananaw ni ATTY. ABATON ay.., SA IKAUUNLAD NG EKONOMIYA ROAD SAFETY ANG KAILANGAN!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.