Advertisers

Advertisers

PAMBANSANG SEGURIDAD

0 311

Advertisers

HINDI makatwiran na basta na lang pagbintangan ang kahit sinong tao o grupo na “komunista” o “inspirado ng mga komunista.” Sa panahon na bumagsak ang halos lahat ng mga rehimeng komunista o Marxista sa buong mundo, lihis sa katwiran ang ganitong pagbibintang. Walang batayan kahit munti sa katotohanan ang ganitong salita. Nagpapakita lang ito ng labis na kamangmangan at kasalatan sa katwiran at karunungan.

Napapanahon na upang magkaroon ng Office of the National Security na ang pangunahing tungkulin ay maghatag ng mga solusyon upang palakasin ang ating pambansang seguridad. Ngayon, mayroon tayong national security adviser na ang pangunahing gawain ay magpayo sa pangulo kung ano ang dapat gawin upang palakasin ang pambansang seguridad. Walang poder ang national security adviser upang isakatuparan ang kanyang mga rekomendasyon sa pangulo. Mistulang isang glorified clerk ang adviser dahil maaring balewalain ng pangulo ang kanyang mga iminumungkahing solusyon sa problem.

Hindi ganyan kahina ang national security adviser sa Estados Unidos. Hindi siya maaaring lansihin o tapak-tapakan ng sinuman sa burukrasya ng Washington. May poder siya at galling ang kapangyarihan sa batas na nagtataguyod ng pambansang seguridad ng Amerika. Kahit ang defense establishment ay sumusunod sa national security adviser. Malakas na tinig siya sa gobyerno ng Estados Unidos.



Dumating na ang oras upang magpasa ang Kongreso ng isang batas na magtatayo at mabibigay lakas sa Office of the National Security sa Filipinas. Kailangan bigyan ng ngipin ang mga nagtataguyod ng pambansang seguridad sa bansa. Hindi ito pagtalikod sa demokrasya. Imbes, nagpapalakas ito sa demokrasya ng bansa. May mga ilang usapin na kailangan mahawakan ng Office of the National Security. Kasama ang usapin ng Tsina at food security na kailangan hawakan ng national security adviser.

Ang pamamayagpag ng Tsina kasama ang walang kahihiyang pangangamkam ng ating teritoryo at exclusive economic zone (EEZ) ang pangunahing suliranin – o tinik sa lalamunan- ng ating pambansang seguridad. Sumusunod ang usapin ng food security kung saan basta nawawala ang ating pagkain at ang labis na pagtaas ng presyo sa pamilihan. Hindi puede na basta pumikit tayo sa mga usapin na iyan.



Patuloy na iginigiit ng Tsina ang kathang isip na Nine-Dash Line bilang batayan ng kanilang patuloy na paglabag sa ating teritoryo at EEZ. Walang batayan ang kanilang pag-angkin sa halos kabuuan ng South China Sea, kasama ang Wst Philippine Sea. Walang batayan sa kasaysayan at batas ang pangangamkan ng Tsina sa ating teritoryo at karagatan. Kailangan na iginiit natin sa Tsina at kilalanin ang desisyon noong 2016 ng Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS na hindi pag-aari ng Tsina ang South China Sea.

***



MAY suspect na isang malaking pulitiko sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na kalalawigan sa massacre na nangyari sa kanyang tahanan sa bayan ng Pamplona sa kanyang lalawigan. Hindi binanggit ni Boying Remulla ang pangalan ng suspect, ngunit itinuturo si Rep. Arnolfo Teves na ang kapatid ay kalaban sa pulitika ni Degamo. Sinampahan ng kasong murder si Teves sa husgado.

Hindi namin alam kung kasama ang pagpatay kay Degamo bilang isa sa mga hakbang ng itinuturing na pag-alog sa gobyerno ni Bongbong Marcos. May mga ilang punto de vista na nagtuturo sa ganitong direksyon. Itinuturo na isa sa mga umuuga sa kanyang gobyerno ang isang malaking pulitiko sa katimugan. Hindi na namin dadagdagan ang talakayan sa isyung ito.

***

KAILANGAN maging matatag ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pagbuwag sa mga naglipanang private army na binubuo umano ng mga dating sundalo at pulis. Mayroon mahigit 100 pangkat ng private army ang umiikot sa bansa. May kasanayan sila sa armas, lalo na ang may mataas na kalibreng assault weapon. Totoong nakakatakot ang mga private army na hawak umano ng mga malalaking pamilya sa pulitika.

Panahon na upang magkaroon ng imbentaryo ang Sandatahang Lakas ng Filipinas, o AFP, sa lahat ng armas na kanilang pag-aari. Alamin ang nandoon at nawawala sa arsenal ng sandata ng bansa. Kailangan na tumulong ang PNP sa AFP sa imbentaryo. Alamin kung ano at iulant na nasa kamay ng mga private army at mga sundalo at pulis na nag-AWOL. Hindi biro ang problema sa private army.

***

NATAPOS na ang tigil pasada ng mga nagrereklamong tsuper. Umurong ang mga lider tsuper matapos magkaroon ng komitment ang gobyerno na titingnan muli ang jeepney phaseout at modernization program. Nangako ang panig ng gobyerno na titingnan muli ang programa sa pagpalit ng mga tumantandang jeep sa lansangan ng mga pangunahing siyudad sa buong bansa. Hindi maaari na manatili sa kalye ang mga bulok na sasakyan na may edad mula 40 taon pataas.

Hindi puede na sa Tsina lang aangkat ng sasakyan ang bansa. Hanapbuhay ito ng mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon at totoong nagging palabigasan nila ang mga may-ari ng sasakyan sa bansa. May natuklasan ang ilang gumagawa ng saksakyan sa bansa ng prototype jeepney at malaki ang kamurahan kung ihahambing sa mga sasakyan na galingTsina.

May nagawa ang Astona, isang lokal na producer ng jeepney. Nasa P1.2 milyon ang halaga, o kalahati ng mga inaangkat sa Tsina. Mayroon itong aircon, mataas ang bubungan, at nasa kanan ang pasukan at labasa ng mga pasahero. Mayroon nagawa na prototype jeepney ang Sarao at Francisco at hindi aabot sa P2 milyon ang bawat unit. Idinadaing ng mga may-ari ng mga lokal na taga-awa ng jeepney na walang kumakausap na taong gobyerno sa kanila. Ipinararamdam sa kanila na hindi sila kasali sa usapan sa paglutas sa problema ng transportasyon sa bansa kahit mahigit 50 taon ang kani-kanilang karanasan sa paggawa ng jeepney.

Ito ang pinakamabigat na problema ng bansa. Halata ang mga taong gobyerno na pinapaboran nila ang Tsina. Bistado sila na may malaking komisyon sila mula sa isang bansa na korap – ang Tsina. Hindi nalalayo ang galing ng mga gumagawa ng mga lokal na jeepney. Sabi ng isang datihang operator ng jeep: Ang mga gawa ng Sarao, Francisco, at Tabing, aabot sa lampas 50 taon ang buhay. Iyong galing ng Tsina – mula tatlo hanggang apat na taon lang. Disposable at substandard ang mga sasakyang Tsina.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Piston announces lifting of transport strike after Malacanang dialogue last night. Palace says it will conduct review of PUV modernization program and involve stakeholders… Fight continues vs franchise guidelines.” – Renato Reyes Jr.

“Totoo ba? Diokno stopped the distribution of the ?3k Ayuda for the poor last year. Only ?2k was distributed. So, yung ipamimigay nilang ?1k ngayon ay yung undistributed portion of last year’s ayuda. Langhiyang papogi yan, akala mo may malasakit sa mahirap ang mokong.” Joel Cochico, netizen,

“Ikinakalat ng paksyon ni Rodrigo Duterte at Imee na nanganganib si Migz Zubiri sa kanyang posisyon sa Senado. ‘Unproductive’ umano.” – PL, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com