Advertisers

Advertisers

‘DI LANG SI GOV. DEGAMO ANG NASA LISTAHAN NG CRIMINAL GROUP’

0 211

Advertisers

NANINIWALA si Siaton Mayor Cezanne Fritz Diaz na ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang tiyuhin na si Negros Oriental Governor Roel Degamo ay isang organisadong grupo, kungsaan mas maraming opisyal kabilang siya, ang nasa listahan.

Ayon kay Diaz, sangkot ang grupo sa likod ng pagpatay sa kanyang tiyuhin sa iligal na aktibidad, na motibo umano sa pag-atake nitong buwan.

“Organisasyon sila. Hindi ito isang tao lang, itong suspek, hindi lang siya, grupo ‘yan,” pahayag ni Diaz.



Nakikipag-usap si Degamo sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanyang bahay sa Pamplona nang pasukin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Dinala nitong Lunes ang labi ni Degamo sa Siaton para sa public viewing, bago ilibing sa family-owned property sa Huwebes.

Napatay si Degamo at walo pa sa naturang pag-atake, habang 13 iba pa ang nagtamo ng sugat.

Naaresto ang tatlong salarin sa hot pursuit operation sa Bayawan City noong Marso 4, kungsaan napatay ang isa salarin sa engkwentro sa mga awtoridad.

Nahuli ang dalawa pang salarin nang sumunod na mga araw.



Nagtalaga na ang Philippine Army ng mas maraming sundalo sa Negros Oriental para tiyakin ang kaligtasan sa probinsya sa patuloy na pagtugis sa mga killer ni Degamo.

Pinalitan narin ang buong puwersa ng pulisya sa probinsiya.