Advertisers

Advertisers

Abogado ng ‘middleman’ sa Degamo slay, ‘hinaharang’ sa miting sa kliyente

0 155

Advertisers

Sinabi ni dating Justice Undersecretary Reynante Orceo, legal counsel ng umano’y middleman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, na pinipigilan siyang makipagkita sa kanyang kliyente.

Sa ulat nitong Linggo, sinabi ni Orceo na nagtungo siya sa National Bureau of Investigation (NBI) para makipagpulong sa umano’y middleman na si Marvin Miranda, subalit, sinabihan umano ang abogado na sumasailalim ang kanyang kliyente sa isang “secret process”.

Sinisilip na ngayon ni Orceo ang legal procedures na maaari niyang ikasa, samantalang hindi pa nagkokomento ang NBI hinggil dito.



Para naman aky Interior Secretary Benhur Abalos, sinabi niya na malapit nang maaresto ng mga awtoridad ang mastermind sa pagpatay, kasunod ng dalawang search operations kung saan nakakalap ng ebidensya.

Kabilang sa mga nakolektang ebidensya ang mga baril at granada, larawan ni Degamo, kanyang pamilya, tahanan at Degamo compound, house routes, at sketch plan ng building na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek.



“In light of these recent developments, the Special Task Force Degamo is very confident that we are nearing the end of unmasking the masterminds behind the shocking and gruesome murder of Gov. Degamo and others,” ani Abalos sa hiwalay na press release.

Nanawagan din siya sa mastermind at mga kasabwat an sumuko na, dahil itinuturo umano sila ng mga ebidensya.



“Alam ko na alam mo kung sino ka. Sumuko ka na. Lahat ng mga ebidensyang ito, nakita naman natin sa mga nakaraang araw. Habang tumatagal, ang dami na. Alam mo kung sino ka. Sumuko ka na,” panawagan niya.

“Sa ibang hindi pa sumusuko, iba ang utak ng tao na ‘to, baka kayo ang isunod nito. Iba ito, he is very, very devious and evil. Lahat ng kasamaan nasa kanya na,” giit pa niya.

Namatay si Degamo at lima pa sa pamamaril noong March 4. Pumalo sa siyam ang bilang ng namatay sa insidente, habang 13 ang sugatan.