Advertisers
Arestado ang tatlong suspek sa serye ng pagnanakaw at panggagahasa habang nasawi ang isa nang manlaban sa isinagawang hot pursuit operation sa bayan ng Hagonoy, Digos city.
Kinilala ang mga nadakip na sina Rosemarie Himpayan, 42; live-in partner na si Barie Lonzaga, 24; anak si Rodolfo Dabon Jr., 22 anyos, habang nasawi ang isa pang anak ni Rosemarie na si Joel Dabon, nasa hustong gulang nang manlaban sa mga pulis.
Sa report ng Hagonoy Municipal police Station, 3:30 ng umaga nang nakatanggap sila ng tawag hinggil sa pinagtataguan ng mga suspek nang ipaayos ng mga ito ng cellphone isa isang repair shop.
Agad na inilatag ang hot pursuit operation laban sa mga suspek ng pinagsamang pwersa ng Hagonoy Municipal Station, PIU-DSPPO, Digos City Police Station,1ST DSPMFC, 2ND DSPMFC, Matanao Municipal Station, RSOG11, RIU 11 at 1104th RMFB.
Pagdating sa mga nasabing lugar naabutan ang apat na suspek subali’t nanlaban si Joel dahilan para gumanti ng putok ang operatiba at tinamaan ito sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng engkuwentro ang .38 caliber na baril, mga bala, granada, mga cellphone, mga bag, pera at mga larawan ng mga babae na biktima ng mga suspek.
Ayon sa pulisya, notoryus na mga kawatan at rapist ang mga suspek sa iba’t ibang lugar probinsya ng Davao.