Advertisers
Malugod na ibinalita ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Abril 3, na maituturing nang “case closed” ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walo iba pa.
“Tapos na po, nakita na natin, kumbaga sa pulis, case closed na ito, prosecution na tayo pagkatapos,” pahayag ni Remulla kasabay ng press conference sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
“But we know who masterminded it — at least two of them — and who did it, yung labing-isang pinakita natin kanina,” dagdag niya.
Matatandaan na pinatay si Degamo at walo iba pang indibidwal sa harap ng tahanan nito sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4.