Advertisers

Advertisers

Rep. Teves utak sa Degamo-slay – DoJ

0 146

Advertisers

Tinukoy na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves na lumalabas na utak sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Itinuro din niya ang dating Army reservist Marvin Miranda na isa din sa utak ng pagpatay kay Degamo.

Ayon pa kay Remulla ipinapalagay niya na may koneksyon sina Teves at Miranda.



“Kumbaga sa sine sila ni Miranda ‘yung director at casting diretor. Hindi lang ito sine kasi totoo nangyari ito eh. While Congresmman Teves is the executive producer,” paliwanag ni Remulla sa tanong ng mamamahayag.

Sinabi ni Remulla na si Miranda, isang military reservist, may malakas na koneksyon kay Teves, Jr. Sangkot na dati si Miranda sa gun running case.



Si Miranda umano ang kausap palagi ni Teves na pagkuha ng tao at armas.

Magugunita na umaga noong Marso 4, pinasok ang bahay ni Degamo sa bayan ng Pamplona, kasabay ng pamamahagi niya ng ayuda at agad siyang pinuntirya ng mga salarin.



Agad namatay si Degamo at walong iba pa ang nasawi, samantalang 15 pa ang nasugatan.

Ilang ulit ng itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo.

Isinailalim si Miranda sa inquest proceeding nitong Lunes.

Tinukoy ni Remulla si Miranda na matagal nang pinaghahanap ng NBI hanggang sa maaresto nitong Biyernes.