Advertisers

Advertisers

James at Issa tadtad ng bashing sa bakasyon sa Palawan, Nadine nadamay

0 167

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI alam ng new couple na sina James Reid at Issa Pressman na nakunan sila ng litrato na pinagpipiyestahan na ngayon.
Kita sa larawan sa kanilang bakasyon sa Palawan na tila nagdidiskusyon ang magdyowa.
Nagtatalo sa kanilang isusuot na kailangan pareho.
Mukha namang mala-jungle ang peg ng damit na suot pareho ng couple.
Kaya samu’t sarimg negatibong reaksyon ang inani ng dalawa.
Halos ang komento ay ang pagiging ahas at pag-agaw ni Issa kay James sa ex nito na si Nadine Lustre.
Matatandaan na kahit noon pang sina James at Nadine pa ay type na ni Issa ang aktor kaya nakatikim ng batikos ang bagong gf ni James sa netizens.
May pumabor sa relasyon ng dalawa pero mas marami pa ang gigil sa pagiging sila.
Mas bitter pa raw ang netizens kaysa Nadine na happy na sa bf nito ngayon.
Sa kanilang banda ay tahimik naman si Nadine regarding sa bagong karelasyon ng dating nobyo.
***
Angeline Quinto napatunayan, tunay na kaibigan si Jona nang i-prank call
SINUBUKAN ng singer na si Jonalyn Viray or mas kilala sa tawag na Jona na i-prank call ang kaibigan ding singer na si Angeline Quinto.
Sa prank call ay sinabi ni Jona kay Angeline na kung puwede siyang tulungan nito dahil ginigipit na ito ng online seller.
Napa-order ng 2 pairs of branded shoes si Jona na ang isa ay nagkakahalaga ng 45K kaya ang 2 pairs ay 90K.
Prank lang naman ito ni Jona sa kaibigan at sinusubukan nito kung matutulungan siya ng huli.
Knows naman ni Angeline na may pinagdaraanan pa sa buhay niya si Jona.
At nasubok nga si Angeline sa gitna ng kagipitan at kahit medyo namahalan ay willing naman ito na tulungan si Jona na mabayaran ang shoes.
Sey pa nga ni Angeline na kung puwede 2 gives yung isa muna na 45K at yung isa pang bayad na 45K ay next week.
Natuwa naman si Jona na isa palang tunay na kaibigan si Angeline na sa gitna ng kagipitan ay handa palang tumulong sa kabila na prank call ‘yun.
Well, well, well…’Yun na!