Advertisers

Advertisers

Miles sinagot ang rason ng paglobo ng katawan

0 160

Advertisers

Ni BETH GELENA

IN demand si John Prats sa pagdi-direk ng mga concert. This time ay K-Pop Stars naman ang kanyang ididirehe, sina Baekhyun at Jeon Somi Isang milestone ito para sa actor-director.

Si Baekhyun ay isa sa member ng EXO samantalang si Jeon Somi ay parte ng all-girl group na I.O.I.



Ang South Korean idols ay magpe-perform sa Araneta Coliseum perform titled Overpass: K-pop Music Concert na gaganapin sa June 11.

Ang Cornerstone Entertainment at OctoArts Entertainment ang organizer ng concert.



Wika nga ni John, ““So excited to direct this party/concert para sa inyo! Let’s go! Buy your tix na! See you there! TGBTG!”

***
BONG NAIYAK NANG MAKAPASA ANG ANAK NA SI INAH SA BAR EXAMS



PROUD bilang isang ama ang dating senador na si Bong Revilla nang malaman niyang pumasa sa Bar Exams ang anak na si Inah.

Emosyonal na nagpost sa kanyang social mediaang actor-pulitiko kung saan nag-viral ito.
“Meron na akong lawyer! I am so proud of you Atty. Inah my anak! Congratulations on achieving one of your dreams. Hindi ko mapigilan maluha sa tuwa, at hindi ko mailagay sa salita ang pagiging proud ko bilang isang ama. Alam ko that you did this partly because of me and for me. Lalo pa at alam ko ang pinagdaanan mo na pinagsabay ang pagiging ina at ang pag-aaral ng abogasya. All the hard work has paid off! Galing!” touchy message ni Bong sa anak.

***
NASAGOT na rin ang mga katanungan ng netizens kung bakit biglang lumobo si Miles Ocampo nang makita siya sa Eat Bulaga kamakailan.

Pinagpiyestahan pa nga siya sa mga YouTube channel na buntis umano ang aktres sa boyfriend na si Elijah Canlas.

Sa Magandang Buhay kung saan live ang programa nina Jolina Magdangal, Meiai Cantiveros at Regine Velasquez nitong Biyernes ay guest nila ang aktres.

Kuwento ni Miles, nagkaroon siya ng medical emergency (thyroid problem) kaya siya naging healthy looking.

“Habang ginagawa ko ang Batang Quiapo, parang late last year ko po naramdaman ‘yung sintomas, ‘yung feeling ko parang lagi akong hapong-hapo. Tapos ‘yung feeling ko laging may nakasakal sa akin. ‘Pos hingalin po ako, nilalamig ako bigla o bigla akong naiinitan. So sabi ko, parang may something na,” kuwento niya kina Melai at Regine.

“So nagpa-blood test ako, ganyan. Sabi it has something to do with my thyroid po. That time po hindi siya hypo, hindi rin rin siya hyper.

“Ang next step was pa-ultrasound. May biopsy din daw nangyari nang mabasa ang resulta ay agad siyang ini-schedule para operahan.

“Ang sabi sa akin was two options lang pero kahit ano, ‘kailangan natin siyang tanggalin. Bibigyan ka namin ng mga three months for you to decide when to do it, or you have to do it ASAP’,” pagpapatuloy pa ng aktres.

“At that time frustrated na ako dahil sa weight ko ang iniisip ko, parang anong problema eh ginagawa ko naman ang part ko.

“After Batang Quiapo, I was supposed to guest pa sa ASAP, dapat sasayaw pa ako. Pero ayaw ko lumabas na hindi ko 100% ang aking paggiling. So kinailangan ko pa mag-cancel ng last minute tapos itinuloy na ‘yung operation,” paglalahad pa ng actress.

Nagpapasalamat na lang siya at agad siyang naoperahan dahil puwede raw kumalat sa kanyang katawan ang thyroid. Magkakaroon na rin ng maintenance for life si Miles.

Nagawa pang magbiro ni Miles nang ipakità ang peklat sa leeg at doon daw lumabas ang kanyang baby.

Si Miles ay nag-trending sa Batang Quiapo sa eksenang “ang anak kooo.”