Advertisers

Advertisers

Ruru may naiinggit sa kasikatan; Ken 4 months na lang at magpapaka-daring na

0 127

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA si Ruru Madrid sa mga alaga ng GMA 7 na hindi nawawalan ng proyekto, mapa-telebisyon man o pelikula. Isa talaga siya sa matagumpay na young actor ngayon.

Pero mukhang may naiinggit kay Ruru sa tinatamasang kasikatan.



Sa post kasi niya sa kanyang Twitter account, mukhang may pinatatamaan siyang mga tao, na umano’y hindi masaya kapag may umaasenso at pilit nila itong hinihila pababa.

Hindi malinaw kung sino ang pinasasaringan ng boyfriend ni Bianca Umali.



Buong tweet ni Ruru: “May mga tao na sadyang di lang masaya sa tuwing may mga umaasenso sa buhay…kaya gagawin nila ang lahat para lang hilahin ka pababa. #RealTalk”

Sa comments section, nagpaabot naman kaagad ng suporta ang mga fan ni Ruru.
Sabi ni Kapuso fan girl,”Hugs for you! You shouldn’t feel that way anymore.



Sabi naman ni Francis Bascal Valle,”Mahal kita idol. At proud ako sayo.”

“Keep chasing your dreams. Soar high,”mula naman kay Jyeobeen.

Well, sino nga kaya ang mga pinatatamaan ni Ruru? May mga tao nga kasi, na hanggang ngayon ay pinaiiral ang crab mentality. Hindi sila masaya kapag may mga taong umaaseno o nagiging matagumpay sa buhay. Bagkus, gusto nilang itong hilahing pababa.

***

SA isang interview ni Ken Chan, tinanong siya kung papayag siya na mag-Vivamax sa direksiyon ni Direk Louie Ignacio. Malapit kasi si Ken kay Direk Louie since ilang beses niya na itong nakatrabaho.

Sabi ni Ken, bigyan lang daw siya ng mga tatlong buwan, handa na siyang sumabak sa mga daring roles.

Na ang ibig sabihin ng binata, magpapalaki/magpapaganda muna siya ng katawan sa loob ng tatlong buwan.

Katwiran pa ni Ken,“Thirty years old na po ako, and I think kailangan ko rin pong mag-explore sa iba’t ibang characters, and sa mga daring roles, di ba?

“E, ang tagal-tagal ko na rin pong hindi nagagawa ‘yun. Lagi na lang pa-tweetums and you know

“Sana, makagawa rin ako nun. And gusto ko, pag gumawa ako nun, ang maging direktor ko po talaga, si Direk Louie Ignacio.

“Wala nang iba, kapag gumawa ako ng daring roles. Kasi, grabe po kung alagaan kami ni Direk Louie nung meron kaming love scene ni Rita [Daniela].

“Talagang inalagaan niya po kami dun at hindi niya kami pinabayaan.”

O ayan sa mga bading na tagahanga ni Ken, abangan ninyo ang pagsabak niya sa daring roles.