Advertisers

Advertisers

CHOPPER NI TEVES GAMIT SA PAGTAKAS NG KILLERS

0 175

Advertisers

ANG helicopter na pag-aari ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnulfo Teves, Jr. ang ginamit upang maiuwi ang mga bumaril kay Governor Roel Degamo mula sa probinsya matapos ang pag-atake noong March 4, sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

“I think that a search warrant was issued to look at his helicopter which was used to transport many of the suspects after the fact. Nilikas sila mula sa Negros Oriental papunta sa Maguindanao, ginamit yung chopper kaya ito’y inisyuan na ng warrant,” pahayag ni Remulla sa media.

Natagpuan ang chopper sa isang hangar na konektado kay Teves sa Dumaguete City, Negros Oriental.



“Isa yan sa mga nangyari sa mga nakaraan na araw na mapapaniwala ka na mayroon siyang kinalaman kasi chopper niya mismo ang ginamit na sinakyan ng mga salarin upang makatakas sila mula sa Negros Oriental,” diin ni Remulla.

Ayon pa kay Remulla, ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ipinalabas sa kanila ang isang search warrant.



Sinabi rin ni Remulla na kinakailangan na suriin ang dating ugnayan ni Teves sa e-sabong at small town lottery bilang isang posibleng pagpapakita ng pagpopondo ng terorismo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">