Advertisers
ISINAMPA ni Quezon fourth congressional district Representative Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan ang panukalang batas na house bill 7913 o AI Regulation Act naglalayong i-regulate ang pagbuo, development, application at gamit ng artificial intelligence (AI).
Ayon sa batang konggresista ang AI na ginagaya ang human intelligence sa pamamagitan ng makina ay naka-programang kumilos tulad ng tao, at gayahin pati ang aksyon. Ito ay may malaking potensyal na magtransporma ng mabilis na inobasyon industriya at pamahalaan.Ang walang kontrol na paggamit nito ay may dulot na hindi mapapasubalian panganib sa tao.
Ipinaliwanag ni assistant majority floor Leader ng Konggreso na ang regulasyon AI, dahil na rin sa mabilis na pag-unlad nito ay kailangan itong bantayan dahil na rin sa panganib ng dala nito sa tao, panganib sa privacy, discrimination, social manipulation, physical safety concerns at sa nakapipinsalang pagkilos nito.
“No less than Geoffrey Hinton, who has been called the “Godfather of AI”, and many other global scientists and researchers have warned about the dire future dangers of AI. It is about time to lay the regulatory framework to protect Filipinos from the unintended consequences of AI and use it to revolutionize our industries and promote national development”, sabi ni Tan.
Ang House Bill No. 7913 ay nagtatakda ng regulatory framework na ginagabayan ng value-based principles upang ang AI ay maging solusyon na nakasentro sa tao.
Kapag naisabatas na, ito ay magbibigay daan sa pagtatatag ng Philippine Council on Artificial Intelligence bilang policy-making at advisory body of experts sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) na ang tungkulin ay mag- evaluate ng impact ng AI systems sa pag-unlad ng AI economies sa bansa. Ito rin ang magdedetermina ng istraktura at parameters kung saan ang AI systems ay mag-o-operate, magtakda ng reglamento upang maiwasan ang pag-abuso at mapanganib na aplikasyon ng AI.
Ang panukalang “Artificial Intelligence Regulation Act” ay nagbibigay parusa sa paggamit ng AI systems na mapanganib at discriminatory kabang ang lethal autonomous weapon systems (LAWS) o slaughterbots, na lalong kilala bilang “killer robots”, na siyang pangunahing dahilan ng humanitarian concern.
Ang hakbang ay nagbibigay rin ng karapatan sa bawat isang Filipino ng proteksyon kontra sa impact ng AI.