Advertisers
NASUNGKIT ng De La Salle University ang UAAP Season 85men’s 3×3 basketball championship matapos idispatsa ang Adamson University sa final, 21-18(9:57) Huwebes sa CaSoBe sa Calatagan.
Pinamunuan ni CJ Austria ang opensiba upang iahon ang Green Archers mula sa five points down sa iniskor na nine points at three rebounds,Habang si Joshua David nagpasabog ng 3 two-pointers para sa six points.
Kevin Quiambao bumakas ng 5 points,10 rebounds, at two blocks,Habang si Francis Escandor nagdagdag ng 2 points at seven rebounds.
“Totally, hindi namin in-expect na mag-cha-champion kami kasi bago pa lang kami nag-training ng 3×3. Blessing na nag-champion kami at nakuha ko pa ‘yung MVP,” Wika ni Austria, tinanghal na tournament MVP.
Hanapi nag-ambag ng eight points, Habang 5-on-5 reserves Jhon Calisay at Maata bumakas ng tig-5 puntos.
Wilfrey Magbuhos ang kumompleto sa lineup ng Soaring Falcons.
La salle pinana ang National University (NU) sa semis,21-13(9:52),habang ang Adamson pinatalsik ang University of Santo Tomas,21-19 (9:59).