Advertisers

Advertisers

Happy Cup ni Mommy Pinty patuloy sa pagdami ng branches; Maribel busy sa business trip

0 495

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

ANG Happy Cup ang isa sa pinaka-pioneer na Milk Tea Shop at patuloy ang pagdami ng branch nito hindi lang sa SM at iba pang malls kundi maging sa malalaking probinsya. Ayon sa Presidente at CEO ng Happy Cup na si Mommy Pinty Gonzaga, masasarap ang lahat ng flavor ng kanilang Milk Tea at madalas ay may promo sila at give aways sa kanilang mga ka-Happy Cup.
Kamakailan lang ay nag-live sa Tiktok at FB Page ng Happy Cup ang mag-sisters na Alex at Toni Gonzaga para mamigay ng cash at freebies sa mga nag-avail ng kanilang bundle promo na milk tea at merchandise bilang give back nila ng mother na si Mommy Pinty sa kanilang mga customer.
Presto, sold-out agad at marami ang bumili ng Happy Cup merchandise tulad ng payong, t-shirt, mug, etc. Ilan pala sa binabalik-balikan sa Happy Cup ay ang kanilang mga mega sarap na Scramble Rumble (kung saan maaalala mo ang kabataan mo, ang Taro Smoothie, iba’t ibang Caramel Flavor, at ang Bundle for 2 na Mango Graham RSC at Cocoa Graham RSC na for P170 lang at naka-save ka ng 50 pesos.
Ito rin ang most favorite ng famous couple na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa kanilang Happy Cup. Kaya para mas lalong maging happy ang mag-partner sa buhay ay mag bundle for 2 na. Dahil mas feel ang happiness kapag may kasama ka.
***
BAGO tumulak.for a business trip papuntang Hong Kong at Macau kasama ang famous artist daughter-record producer na si Marion Aunor, nagtungo muna sa Cebu si former singer-actress turned businesswoman na si Maribel Aunor sa Cebu para sa special recruitment activity para sa mga nurse na gustong magtrabaho sa Dubai at USA, at maging caregiver sa Amerika din.
Yes, maraming open na trabaho sa abroad para sa mga kababayan natin sa Golden Legacy Jobmovers Corp ni Ma’am Maribel. Last April ay dinagsa rin ng mga kababayan natin na gustong magtrabaho sa abroad ang booth ng Golden Legacy Jobmovers sa Hagonoy, Bulacan. Nagkaroon din sila ng Job Fair sa Lingayen, Pangasinan. Samantala, nag-courtesy call naman si Ma’am Maribel with Marion kay Labor Attache’ Atty. Mel Dizon at Assistant Labor Attache’ Tony Villafuerte sa Migrant Worker Office na dating POLO sa Hong Kong. Yes, after ng ilang taong pandemic ay in-demand na uli ang Golden Legacy Jobmovers Inc. at nakipag-partner pa sa kanila ngayon ang GLOBAL PLACEMENT USA.
Ibig sabihin, mas maraming opportunities ang ating mga nurse, physical therapist at nursing aide na makapag-work sa US. Ang opisina ng Golden Lecagy Jobmovers Inc. ay located sa Suite 102 at 701, Ermita Center Bldg, 1350 Roxas Boulevard, Ermita, Manila.
***
Kakilala ni Kristine Hermosa, Rey Gloria successful entrepreneur sa Vancouver, Canada
NATUTUWA kami at masaya para sa aming kaibigan at kababayang Ilonggo na si Rey Gloria, na matagal na based sa Vancouver, Canada na isa nang successful entrepreneur sa bansang ito.
Yes, from his ordinary job sa Pinas, kilala nang negosyante at distributor ng sikat na beauty products sa Canada si Rey at napaka-in-demand ng kanyang mga produkto.
Dalawa sa napabilib sa kanyang beauty products ay ang mag-inang Kristine Hermosa at Mae Orille. Well, makikita sa tisoy na kutis ni Rey na effective ang mga produkto niyang ito. Rey is a good samaritan at mahilig siyang tumulong sa mga kinagigiliwan niyang vlogger.
Yes, lagi siyang nanonood ng vlog ng inyong columnist at parati siyang nagkakaloob ng ayuda sa amin. Alam niya kasi at naiintindihan ang sitwasyon dito sa Pinas na nagdusa tayo dahil sa pesteng Pandemic. Bukod sa amin, may iba pang mga tinutulungan si Rey na mag-isa lang sa Canada. Type ang kumain sa mga sosyal na hotel at restaurant at mahilig siyang mamasyal sa mga Tourist Spot sa Canada at makikita ito sa mga short video niya o Reels sa kanyang Facebook Account. Infairness, maraming followers si Rey.