Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MIYEMBRO ng Pinoy Big Brother season 1 ang hunk actor na si Rico Barrera noong 2005.
Pagkatapos lumabas ng Bahay ni Kuya, pumalaot na siya sa paggawa ng mga teleserye at mga pelikula.
Gayunpaman, dahil hindi pa niya alam ang true calling niya ay hindi tuluy-tuloy ang pagiging actor niya noon.
Katunayan, nagbago siya ng karera bilang flight steward.
Matagumpay din niyang pinasok ang multi-level marketing company na FrontRow International kung saan napasama siya sa Millionaires Club ng nasabing kumpanya.
Pero dahil na-realize niya na mahal niya ang pag-arte, binalikan niya ang kanyang hilig.
Tumanggap siya ng iba’t ibang supporting roles hanggang bumalik siya sa pagbibida sa sexy drama na “Cuatro.”
Ngayong maituturing ni Rico na biggest break niya ang kanyang latest starring role sa Vivamax movie na “Kabayo.”
“Ito ang isa sa pinaka-challenging roles na ginawa ko kasi kakaiba siya, iba iyong lalim niya na talagang pag-iisipin ka,” aniya.
Katunayan, noong binasa raw niya ang iskrip ng pelikula ay medyo napalunok siya.
“Mabilis ang pacing niya. Ang daming nangyayari. Ang daming sex scenes. Hahaha!,” pagbabahagi niya.
May paliwanag din siya kung bakit “Kabayo” ang nakakaintrigang titulo ng kanyang pelikula.
“Symbolic iyong kabayo. May involved din naman talaga na kabayo. Iyong iba, iisipin double meaning siya pero related talaga siya sa kuwento,“ esplika niya. “Naging parang kabayo kasi ako rito, a workhorse na pinagtatrabaho sa office ni Ping (Medina), brother ng partner ko played by Julia (Victoria.)
“Pagdating naman sa bahay, pinagtatrabaho rin ni Julia sa kama. Sa office, lagi akong may hinahabol na deadline. Kayod nang kayod so parang kayod kabayo. Sa bahay naman, kayod pa rin, kasi lagi kong iniisip kung paano ko masa-satisfy si Julia sa mga demands niya sa akin sa kama,” dugtong niya.
Bagama’t may mga limitasyon dahil may endorsements, aminado rin siyang napasabak sa sex scenes sa pelikulang “Kabayo” na iprinudyus ng LDG Entertainment ni Lito de Guzman at Kabayo Films ni Manuel Veloso.
“May threesome kami rito nina Julia Victoria and Apple Castro. Tapos we got Angelo Ilagan to join us and it turns out bisexual siya at gusto niya rin akong maka-sex. Wild ‘yung movie at lahat ng mga kasama ko, very cooperative sa mga pinagawa sa amin ni Direk Gian so abangan na lang sa Vivamax when it starts streaming on May 26,” bida niya.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Francesca Flores, Angelo Ilagan, Paolo Rivero, at Ping Medina.