Advertisers

Advertisers

Post ni VP Sara: ‘SA IMONG AMBISYON DON’T BE TAMBALOSLOS’

0 228

Advertisers

TILA may makahulugang pahayag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang post nito online nitong Linggo kung saan isinulat niya sa caption ng kaniyang selfie, “Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos”.

Hindi pa naman malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente.

Matatandaan na inanunsyo noong Biyernes, Mayo 19, ni VP Sara ang kaniyang pagbibitiw bilang miyembro ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).



Agad namang naglabas ng pahayag ang Lakas-CMD hinggil dito at sinabing nirerespeto nila ang desisyon ng bise presidente.

Ang naturang pagbibitiw ni Duterte sa Lakas-CMD ay matapos uma-nong mangyari ang “demotion” ni Pampanga 2nd district Representative at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker sa plenary session ng Kamara.



Ayon sa Makabayan solons, ang nangyaring “demotion” kay Arroyo ay maaaring simula ng pagkakaroon ng mga “bitak” sa naturang alyansa.

Ang koneksyon umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Duterte ay si House Speaker Martin Romualdez, ang Lakas-CMD president. Si Romualdez ang siya ring campaign manager noon ni Davao City Mayor Duterte noong May 9, 2022 elections.



Sinabi naman ni Marcos noon ding Biyernes na naniniwala siyang nagbitiw si Duterte bilang miyembro ng Lakas-CMD, dahil gusto niyang ilaan ang karamihan sa kaniyang oras sa kaniyang maraming trabaho sa gobyerno.

Samantala, marami sa mga netizen ang napukaw ang atensyon sa salitang “tambalolos.”

Ang salitang “Tambaloslos,” ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang “halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari.” Maririnig ito sa pokloriko sa Visayas, Bicol, at Mindanao.