Advertisers

Advertisers

‘Di sinunog ang PhilPost sa Maynila – Mayor Lacuna

0 154

Advertisers

SINOPLA ni Manila Mayor Honey Lacuna ang malisyosong fake news na pinalulutang sa social media na kaya nasunog ang Manila Central Post Office dahil sa plano umanong pagtayuan ng shopping mall o condominium ang lugar.

Ipinaliwanag ni Lacuna na ang post office ay national government property at nasa institutional zone, na ang ibig sabihin ay lugar para sa institutional na gusali tulad ng offices, schools, public govt buildings, religious buildings at iba pa.

“Under the city’s zoning ordinance (Ordinance 8119), said site is designated as a heritage overlay zone. More than that, the National Historical Institute and the National Museum have already put up a marker (plaque) on the post office, making it an officially protected site,” giit ng alkalde.

“Sa mga nag-aagam-agam na baka sakali ay may ibang gustong ipatayo, ‘wag kayong mag-alala. Ang lugar po kungsaan nakatayo ang Manila Central Post Office, ayon po sa aming zoning ordinance, ay isang institutional zone pero liban pa po doon, ito ay idineklara noong 2018 ng national museum bilang important cultural property na ibig sabihin lamang po, ang NHI ay dineklara ang buong lugar bilang isang heritage zone”.

Idinagdag pa nito na: “Kapag ganito, di na maaring patayuan ng kahit anumang gusali maliban sa post office, dun sa lugar na ito. Ibig sabihin, protektado ng zoning ordinance na kahit pamahalaang-lungsod o national government ay di maaring magpatayo ng anumang infrastructure maliban sa post office. It is protected and you cannot demolish or build anything else on it.”

Samantala, sinabi ng alkalde na naimpormahan siya na ang mga nagtatrabaho sa nasunog na gusali ay lilipat muna sa kanilang foreign mail distribution center sa Delpan.

Sa ulat na nakarating sa alkalde tungkol sa walong oras na sunog na tumupok sa kabuuang MCPO building, ay nagsimula sa general services na nasa basement. Tinatayang nasa P300 million ang halaga ng napinsala. (ANDI GARCIA)