Advertisers

Advertisers

Babaeng Chinese na wanted sa pyramid scam, arestado sa Laguna – BI

0 106

Advertisers

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa large-scale pyramid investment scam.

Sa isang pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang suspek na si Liu Jing, 44 – anyos na naaresto noong May 19 sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, Laguna ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI

Armado ng mission order mula kay Tansingco ang BI-FSU operatives nang arestuhin si Liu, sa kahilingan ng mga Chinese authorities.

Ayon kay Tansingco, kinansela na ng Chinese government ang passport ni Liu kaya naman undocumented alien na ito at subject ng summary deportation.

Nakita rin sa records na si Liu ay overstaying alien, na huling dumating sa bansa noong bang tourist noong Dec. 31, 2019, simula noon ay ‘di na siya umalis.

“She will thus be deported for being an undesirable, overstaying and undocumented alien,” sabi ni Tansingco.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Liu ay target ng arrest warrant ng public security bureau sa Yongjian district ng Handan City sa Hubei province, China noong May 12, 2021.

Siya ay akusado sa pag-o-organisa at pag-o-operate ng pyramid investment schemes sa pamamagitan ng foreign currency exchange platform na nakapanloko ng mahigit 300,000 Chinese na biktima kung saan ang kabuuang nakalimbat ay nasa US$2.5 million.

Kasalukuyang nakakulong si Liu sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)