Advertisers
KUNG tutuusin,mas nahigitan sana ng Team Philippines ang fifth place finish nitong katatapos sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
“It was really a strong performance”, wika ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association ( PSA) Forum sa RMSC kahapon.
Sa 840 atletang ipinadala ng Pilipinas sa Cambodia,naiuwi nila ang taginting na 58 gold,85 silver at 117 bronze medals at nalagpasan ang 52-70-104 na ani noong nakaraang Vietnam SEAGames.
Pero ayon sa pinuno ng POC,nawala ang ibang tsansa sa gold para sa Pilipinas dahil ang mga sports na narating sa finals ay halos subjective kung saan ay nanggaling ang ginto mula sa desisyon ng hurado at napaboran ang Vietnam, Thailand, Indonesia at host Cambodia.
Those 40 medals,nahati sa Vietnam at Cambodia, so analyze it.Conservatively,we lost twenty golds,” ani Bambol sa Forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation,MILO,Philippine Sports Commission, POC at PAGCOR.” The size of the Philippine contingent was dwarfed by the top 3 countries in the final medal tally each one fielding around 2,000 athletes.But we’re not crying over spilled milk.We hail our Filipino athletes for a job well done.”
Nanghihinayang ang kasalukuyang alkalde ng Tagaytay City sa maraming nawalang potensyal na ginto.
“ Sayang I was really looking at 60 golds for our athletes” sambit ni Tolentino na nakatuon na ang pokus sa Hangzhou Asian Games sa China na lalarga sa darating na Setyembre ng taon… ABANGAN!