Advertisers

Advertisers

Pinangunahan ng Caloocan LGU ang blessing ceremony ng bagong emergency, rescue at delivery vehicles

0 121

Advertisers

Nagtalaga ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng kabuuang 12 bagong emergency at rescue vehicles upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa kalamidad sa lungsod.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kahalagahan ng paghahanda sa sakuna at pagkakaroon ng mga sasakyang pang-emergency gayundin ang tamang rescue equipment at pagsasanay.

“Mahirap umaksyon tuwing may sakuna kung walang sasakyan na magagamit kaya sabi ko, kung gusto natin na maging isa sa mga nangunguna pagdating sa disaster response sa ating siyudad, kailangan may sapat na ambulansya at rescue vehicles na magagamit. Pauna pa lang ito, marami pa Tayong bibilhing gamit at maging ang mga rescuers natin, titiyakin natin na may angkop silang kaalaman at kakayahan para sa trabaho nila,” wika ni Mayor Malapitan.

Inatasan din niya ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na i-standardize ang lima hanggang walong minutong response time sa anumang emergency na sitwasyon.

“Kailangan mabilis ang pagresponde dahil buhay palagi ang nakataya tuwing may emergency o sakuna. Kailangan kayanin natin sa loob lang ng limang minuto ay nakaresponde na tayo,” pahayag ni Mayor Along.

Inihayag din kamakailan ng lokal na pamahalaan ang kanilang sentralisadong 24/7 emergency hotline at ang bago nitong Alert and Monitoring Operations Center na matatagpuan sa iba’t-ibang estratehikong lugar sa lungsod.

Kabilang sa mga bagong deploy na sasakyan ng City Government of Caloocan ay kinabibilangan ng 10 ambulansya, dalawang Special Rescue Vehicles (SRV), at isang delivery truck.

Samantala, idinagdag din ni CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao na may patuloy na paghahanda ang lungsod sa posibleng epekto ng Supertyphoon Mawar sa Metro Manila.

“Inutusan na ni Mayor Along ang CDRRMO at iba pang departamento ng lungsod na maging alerto sa pagsubaybay sa panahon at pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga nasasakupan,” ani Dr. Lao.