Advertisers

Advertisers

Vice Ganda ‘di paniwalang naungusan ng ‘Voltes V’ ang ‘Batang Quiapo’

0 245

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAG-ugat at lumaki nang lumaki ang isyu matapos mag post si Michael V aka Bitoy na ang mga content creator nga raw sa kahit na anong socmed platform ay pinag-iisipan ang salitang ‘content’.
Di naman nagustuhan ito ni Rendon Labador na isang creator. Si Rendon din ang bumanat kay Coco Martin sa shooting nito ng Batang Quiapo sa nasabing lugar.
Nagpaulan naman ito nang maaanghang na salita laban kay Coco at sa bumubuo ng BQ. At kinampihan naman si Coco ng mga kasamahan nito sa nasabing serye at binanatan din nila si Rendon na nagkukuwestyon kung bakit sa Quiapo nagsu-shooting na isang malaking perwisyo raw para sa mga nagtitinda sa paligid.
Eto’t may panibagong tira na naman si Rendon at si Michael V aka Bitoy ng Bubble Gang. Tila di nagustuhan ni Rendon ang post ni Michael V regarding sa mga content creator. Isipin mabuti ang salitang creator at nagpanting ang tenga ni Rendon at sinabihan nitong laos na si Michael V at ang katulad nga raw ni Rendon at kagaya niya na mga socmed influencer ang in at trending.
Maraming taga-showbiz na kumampi at rumesbak kay Rendon. At kahit nga si Tuesday Vargas na isa ring content creator ay pumanig kay Michael V.
***
HINDI na nga nagpaliguy ligoy pa si Vice Ganda nang magbigay ito ng komento regarding sa rating ng dalawang nagsasalpukang serye sa Primetime. Kamakailan lang ay nag tie sa rating na 14% ang Voltes V at Batang Quiapo. At eto lang kamakailan ay naglabas ang GMA network ng kanilang datos na naungusan na ng Voltes V ang action series ni Coco.
Kaya naman kumuda si Vice Ganda, ang noontime TV host ng Its Showtime at di makapaniwala sa rating. Yung dating katapatan ng BQ na Mga Lihim Ni Urduja ay di naman nakaalagwa sa rating hanggang sa mama-alam.
Di nga matanggap ni Vice na ang kaibigan ay mahina ang rating na alam naman nito na lahat ng galawan ay kanyang inaaral at pinaghihirapan. May comment naman ang TV Host na ‘Voltes V nyo basura’ pasaring yata ito ng kaibigan ni Coco na burado na ngayon ang komento.
Sa pagtaas ng rating ng Voltes V ay challenge ito kung paano ime-maintain ang taas ng rating at di naman of course magpapabaya si Coco na mawala ang kanyang kinang.
Well, well, well…’Yun na!