Advertisers

Advertisers

Mabubulaga ng EB ang PBA!

0 360

Advertisers

Dahil sa gulo sa Eat Bulaga ay mabubulabog ang sked ng TV coverage ng PBA.

Oo, Ruby Contreras kahit variety show ang EB ay maaapektuhan nito ang sports programming.

Ngayon o bago ang season break ay napapanood natin ang mga game ng Miyerkules, Biyernes at Linggo sa Channel 5.



Sa hapon at gabi ito na may balita sa pagitan ng mga laban.

Pero sa pagpirma ng grupong TVJ sa Kapatid Network ay maiiba na.



Mangyari ay malalagay na sa 12 NN – 2:30 PM ang EB Dabarkads sa Singko. Bababa ang It’s Showtime ng ABSCBN sa 3:30 – 6:30 PM. Tapos ang news program. Susundan na ng mga teleserye ng Lopez na kumpanya.

Kaya may puwang pa ba ang mga laro nina Scottie Thompson, Roger Pogoy, JuneMar Fajardo at iba pa sa istasyon ni MVP?



Sabi ng ating ibong pipit sa Mediaquest Holdings ay ipupuwesto na ang pro league sa UHF station nila na One Sports kung saan nasasaksihan na rin ang mga propesyunal. Maaari rin raw dalhin ang palatuntunan ni Vice G sa iba pang free TV basta noontime slot.

Posible rin daw matunghayan sa TV 5 na VHF pero sa gabing gabi o pagkayari ng mga soap opera.

Talagang ganyan kasi nawala na ang kinang ng PBA. Siyempre kung alin ang mataas sa ratings ang may prayoridad. Itong mga popular na palatuntunan kasi ang nagpapanhik ng pera.

Posible bang lumipat din ang ligang Commissioner si Willie Marcial? Pwede kung alukin sila ng GMA na may kskayahan nguni’t ang carrying station ay ang GTV, sister station ng Siyete..

Abangan! Exciting times ahead.

***

Dapat habulin ng Lakers si Chris Paul na basta-basta pakakawalan ng Suns sa free agency. I-pursue pagka-waive.

Pero siyempre kailangan pumayag ang batikang point guard sa bargain na presyo. Veteran’s minimum siguro. Pagkakataon na nila magkasama sa isang koponan ni LeBron James na kanyang matalik na kaibigan. Baka huling chance na rin niyang magkaroon ng singsing.

Tapos na ang panahon na kumita ng malaking kwarta. Oras na maging kampeon.

Tutal sa edad niyang 38 años at pagiging injury-prone ay iilan na lang na team ang magiging interesado sa kanya.

Kapag nakuha na si CP3 nina Rob Pelinka ay maaari na pabayaan si D’Angelo Russell tapos i-renew si Dennis Schroder.

May pondo pang matitira para kina Austin Reaves at Rui Hachimura na mga restricted free agents na.

Pamalit na sentro na lang kay Anthony Davis ang kulang ni Coach Darvin Ham.